CNTHB.8

20.6K 389 26
                                    

DJ's POV

(Bawiin mo na kasi...)

"ayoko.."

(Edi ako na lang ang mag-aannounce na hindi naman talaga tayo.)

"Edi i-announce mo."

*toooot* *tooot*

Binabaan ako? Haha. Naasar na naman siguro.

Kung tatanungin nyo, sino pa ba sa tingin nyo ang kausap ko? Edi si Ms.Chuckie!

KATH..myloves, joke. Ang bading! haha

Malamang sa alamang eh, bukas kalat na sa school na kame. 'kunwari' pero sana totoo na lang.

*Flashback*

"Girlfriend?" sabay nilang sabe.

"Ganyan na ba mga taste mo ngayon?" -Barbie.

"Excuse me? Isa't kalahating maputing demonyita.. Buti nga nagimprove ang taste nya eh. Kumbaga sa condiments, ASIN ka.. at ASUKAL ako.. If you know what I mean. haha" -Kath.

Ano daw? Haha Pero natawa ako sa Asin at Asukal ni Kath ah.

"Ang panget mo naman." -Barbie.

"Uy, hindi mo ako salamin ah." -Kath.

"HA?" -Barbie.

"Hotdog." -Kath.

Uhm, excuse me? GWAPO OVER HERE! -___-"

Busy'ng busy silang dalawa sa pagsasagutan, bakit pa kasi pinatulan ni Kath. Eh halata namang parang sisiw lang sakanya si Barbie.

"Baka ikaw!" -Barbie.

"Ha? ano? May itlog ka? Chiksilog pala to Gino eh!" -Kath.

SHIT benta ng mga salita ni Kath.. AHAHA! CHIKSILOG? AHAHAHA!! Natatawa ako.

Kung makikita nyo lang itsura ni Barbie, halos umusok na ang tenga sa sobrang asar at inis. Habang si Kath nageenjoy lang sa ginagawa nya. Ang pilya talaga ni Kath. tssk.

"Nakakabwisit ka na." -Barbie. Pagkasabi nun ni Barbie biglang hinawakan nya yung buhok ni Kath. Naku po barbie... wag mo ng ituloy yan.

"Dont you dare." -Kath. Hindi pa din binibitawan ni Barbie yung buhok ni Kath. Pipigilan ko na sana dahil magkakasabunutan na sila, kaso pinigilan ako ni Kath. Binigyan nya ako ng STOP SIGN ako-ng-bahala-dito.

"Bakit? takot ka masabunutan?" -Barbie. Tonong naghahamon talaga.

Ehh? Ano bang gagawin ko.. Bakit ba kasi, aish..

Bakit ba kasi ang pogi ko. ahahaha. joke. Hindi ako nakakatulong. XD

"Korni mo naman, sabunutan? Di ako sanay dun.. Dapat ganito."

*BOOOOOOOOGSSSSSHH*

O______________O

Sinuntok nya si Barbie. :O Grabe. Sabi ko na kasi sayo Barbie wag mo ng ituloy eh.. Ayan!

"Tara na nga Gino, di man lang ako pinagpawisan." pagkasabi nya nun. Hinila na ako ni Kath.

State of shock pa din ako. Saan nya kaya natutunan sumuntok? Parang nakakatakot tuloy syang galitin.. Saka ang inaasahan ko magagalit sya sakin dahil sa sinabi kong girlfriend ko sya pero parang hindi nga sya nainis.

"Confirmed may gusto ka nga saken." natatawa kong sabi sakanya. Pano kasi hanggang ngayon di pa nya binibitawan kamay ko. Dapat na ba akong kiligin? BADING! -___-"

Campus Nerd Turned to Heartthrob and BadboyWhere stories live. Discover now