“Che! Gulo mo kausap! Oo hindi lang naman eh. Dami pa keme!”

Tumawa ulit siya… this time, mas malakas at mas mahaba na kesa dun sa kanina. “No. No. I’m not a werewolf. OR a vampire for that matter.”

“Okay.” Sabi ko at naramdaman ko ang kapanatagan ng loob kaya naman umupo na ko sa upuan katabi nung sa kanya.

Tumahimik ng ilang mga segundo… tapos naisip ko na naman yung tanong ko kanina… “Bakit nga pala hindi ka pa umuuwi? Nagyoyosi ka lang naman.”

Tumingin siya sa’kin… tapos tinignan niya yung mga tao sa loob. “I love being surrounded by people. People who compliment me…” tumingin ulit siya sa’kin.  “People who envy me… People who hate me for being like this… People who adore me for being like this… Whatever kind of people… I just love the attention they’re giving me…”

Nagbuntong hininga siya… tapos nagsindi ulit ng isa pang yosi… “And besides… what’s the point of going home when you got no one to welcome you back…” hinithit niya yung yosi at sabay buga ng usok as gracefully as possible… 

Hindi ko alam kung bakit ah… pero parang kasama nung ibinuga niyang usok yung mga kalungkutan niya sa buhay. Nakakadaming buga na siya… Hindi pa ba siya masaya??

“Maganda ka naman eh… bakit hindi ka makakuha ng lalaking magwewelcome sa’yo pauwi?”

“I don’t think I deserve one…” sabi niya.

“Bakit?”

“I deserve to be alone.”

“Alam mo ang drama mo… you deserve to be alone, pero nalulungkot ka kasi mag-isa ka lang. Haaay. Gulo mo teh!”

Tumawa na naman siya… halalalala. Ano ba’ko?? Stand-up comedian?? TSs.

Nung tumigil na siya sa pagtawa, tumingin siya sa’kin. Yung tingin niya kapareho nung tingin niya sa’kin kanina habang minemake-up-an niya ko matapos niyang tanungin kung mahal ko ba si Charles.

Nagbuntong hininga siya tapos inalis niya yung mga mata niya sa’kin. Tumayo na lang siya bigla at pinatay yung sigarilyo na hawak niya. “I guess it’s time for me to leave.” Sabi niya tapos naglakad na siya palayo. Amp. Hindi ko man lang nasabi na mangungutang ako. >.<

Tumayo din ako para sundan siya, paglingon ko nakita ko siyang lumiko palayo. Wala na siya, kanino na lang ako mangungutang nito?? HAAAAY!! Hindi. Kailangan ko siyang sundan!

Palakad na sana ako kaso nakita ko na sa pinaglikuan ni Cassandra, nandun nakatayo si Charles.

CHARLES’ POV:

The moment she saw me I saw her blush, even with this distance. As a guy who adores her, that is a big compliment.

I walked towards her. She looks beautiful as I go nearer. *sighs* How can I be so lucky?

“Hey.” I said as I approach her.

She glares at me. Then… “HEY KA DIYAN!! ANG DAMING NANGYARI SA’KIN TAPOS HEY LANG KAYA MONG SABIHIN??!! NATAPUNAN NA KO NG WINE AT NALAGYAN NG CAKE SA MUKHA… NAKALIGO, NAKAPAGPALIT NA RIN AKO NG DAMIT TAPOS ANO?? LALAKAD KA SA’KIN NA GANYAN ITSURA MO TAPO---”

Shut Up or I'll Kiss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon