"I'm okay," kunot noong sagot ko habang tinatahak ang second floor ng bahay. Huminga ng malalim si Eros sa kabilang linya.  "You still don't know anything?" tanong niya.

Nagulat ako. "Ano ba dapat kong malaman?" pinihit ko ang knob ng pinto ko. Pumasok ako sa  kwarto. Bumungad agad ang lamig dahil sa lakas ng aircon.

"Tapos naba ang party?"

Umupo ako sa kama. "How did you now na may party?" gulat na gulat ako. Minsan, nagugulat talaga ako kay Eros dahil madami siyang alam sa nangyayari sa buhay ko kahit hindi ko naman sinasabi.

" Be brave, okay? Call me when you need me." tulala akong nakatingin sa cellphone ko pagkatapos ibaba ni Eros ang tawag. Gulong gulo ako sa mga misteryosong salita ni Eros na hindi ko maintindihan kung ano.

I've known Eros for a quiet long time but until now, he's a big puzzle to me.

Pumasok ako sa comfort room para maghilamos. Napatitig ako malaking salamin sa harap ko. Titinitigan ko mabuti ang katawan ko,at sa huli, huminga ako ng malalim.

After my rituals I decided to sleep. I know it's still early pero wala naman akong gagawin. And besides, I need to sleep early.

Paglabas ko ng comfort room ay mabilis akong natigilan. Bahagya pang napa-awang ang labi ko dahil sa gulat. Luther's here!

"A-ano ang ginagawa mo dito?" malamig na salita ko. Ang imahe kasi nila ni Celine kanina ay paulit ulit na bumabalik sa utak ko. Tsaka, paano kung malaman nila daddy o mommy na nandito siya?

Umikot ako sa kabilang side ng kama ng hindi inaalis ang titig sa kanya. Malungkot at pagod ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Bakit okay lang seyo na ibigay ako kay Celine?" tanong niya. Hindi nakawala sa pandinig ko ang lungkot sa bawat salita niya.

Why is he asking me that?

I laughed mockingly. "Are you seriously asking me that? Paulit ulit nalang tayo, e." pagod ko din sabi.

Huminga ng malalim sa Luther. Nasasaktan akong tignan siya dahil hindi mawala wala ang sakit sa mga mata niya. Like, he's smiling but it feels like he's dying.

"Do you know why there's a party?" tanong niya.

"Do I need to know?" sagot ko.

Umikot si Luther para makalapit sa akin. Para akong nabato sa kinatatayuan ko.

"It's a despedida party for me and Celine.." salita niya.

Nagulat ako. Aalis siya? Kailan? Bakit hindi ko alam? Bakit walang nagsabi sa akin? Ang luha ko ay mabilis pumatak. Hindi ko ito pinunasan o ano pa man. Hinayaan ko ang sarili kong maging mahina sa harap niya kahit ngaun lang.

Nagpakawala ng mahinang mura si Luther pero hinayaan niya lang akong umiyak. "Gusto kong sabihin seyo na pigilan mo ako," pumiyok siya. "But I know your decisions is clear. Akala mo hindi ko maintindihan ang nangyayari pero naiintindihan ko Sasha.. I understand why we need to be apart."

Hindi ako makapagsalita. Kanina, hiniling ko na sana, hindi kami magkasama para mabilis namin matanggap ang mga nangyari. Pero eto, literal na aalis siya at iiwan ako. Mas masakit pala iyon. "Hindi ko lang talaga matanggap." tumingala si Luther at mariin na pumikit.

"I'm sorry. I'm sorry for hurting you.. I'm sorry for hurting you instead of being there for you." namula ang mga mata ni Luther. Umiling ako ng sunod sunod.

Isang dipa lang ang pagitan namin pero hindi ko magawang lapitan siya at yakapin. Hinang hina ako. Hinang hina ako sa pagod at sakit na nadadama ko.

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now