Nag-unat ako ng braso ng makatayo ako. I feel so exhausted physically and emotionally. I want to unwind. Gusto kong ipahinga ang pagod na feelings ko dahil sa malaking pasabog sa buhay ko.

Nang maayos ko ang sarili ko ay lumabas ako ng silid. Natigilan pa ako ng mapadaan ako sa kwarto ni Luther. Lumapit ako at hinawakan ang door knob. I just want to check if he's okay.

Sa huli, huminga ako ng malalim at tumalikod. Damn it, Atasha! You're just making it complicated.

"Morning.." bati ni Draco. Kumunot ang noo ko sa sobrang pagtataka. Why is he here? Napatingin pa ako sa garden kung saan madaming tao. Anong meron?

"It's afternoon na kaya," umirap si Kristele sa kay Draco kaya umirap din si Draco sa kanya.

"Anong meron?" tanong ko sabay upo sa tabi ni Kristele. Dama ko ang pagsunod ni Draco sa galaw ko.

Kristele shrugged. Napabaling ako kay Draco na halos maibuga ang cookies na kinakain niya. Patay gutom talaga!

"Uu--err.." napakamot siya ng ulo kaya naman kumunot ang noo ko. Hindi niya ba alam ang sasabihin niya o ayaw niya lang sabihin?

"Is anyone see, Luther?" Natigilan ako ng lumabas si mommy sa kitchen na may dalang malaking plato na may umuusok na buttered shrimp. Mabilis akong naglaway at nakaramdam ng pagkulo ng  tyan.

Nang dumako ang tingin niya sa akin ay biglang naging blangko ang ekspresyon niya. Umiwas ako ng tingin. For the longest weeks of my life ay ngaun lang ako nanatili sa bahay. Don't ruin it, mom.. Please.

"Natutulog pa. Umaga na kaya umuuwi iyon." sagot ni Kristele na patuloy ang pagbuklat sa magazine na hawak niya.

"Bakit hindi mo gisingin?" sagot ni mommy at nagsimula ulit maglakad. Tahimik lang ako at nagpanggap na inaantok pa. I just don't want any conversation or another row with her. I'm fucking freaking tired of that.

"Uh--" Draco interrupted mom. Nagkamot siya ng ulo at awkward na sumagot. "Nasa garden na tita," sagot niya.

Bumaling siya sa akin kaya nagtaas ako ng kilay. "Tulog pa kaya!" pagpupumilit ni Kristele.

"He's awake! Tanga!" sigaw ni Draco kay Kristele kaya nanlaki ang mata ni Kristele at nawala ang atensyon sa binabasa.

"How dare you, kuya!"

Draco rolled his eyes dramatically. "Shame on you Kristele! Don't kuya me-- mas mukha ka ngang ate sa akin." ngumisi si Draco kaya naiiling ako.

Nanlaki ang mga mata ni Kristele at marahas na tumayo. "Asshole!" padabog siyang umakyat aa second floor kaya napatingin ako kay Draco na humagalpak ng tawa. I bet Kristele will take this as a bigdeal. Laitin mo na lahat sa kanya wag lang ang mukha niya.

"Ang sama mo," binato ko si Draco ng throw pillow kaya umiwas siya na natatawa pa din. "I'm not. Ang bully lang kasi ng kapatid mo." nagkibit balikat siya.

"Tara sa garden?" aya niya sa akin kaya natigilan ako. Luther's there! At hindi ko alam kung bakit madaming tao. I don't even know what's happening.

"C'mon, Sasha, Simon's there." Tumayo na si Draco habang ako at nakatingin lang sa kanya hanggang makalabas siya sa garden. Nandito si Simon? For what? Okay na kaya si Glen? Nagising na kaya ang kapatid niya? Does he even know about what happened to us?

Silly, Sasha! Of course, he's  Luther's best buds.

Naamoy ko ang usok ng barbeque at dinig ang ingay nag si-swimming sa pool. Sa huli, nanaig pa din ang kagustuhan kong kumain ng barbeque kaya lumabas ako.

Agad akong nagsisi. Nandito lahat ang mga tita at tito ko. Even lolo and my cousins are here. "Sasha tara dito!" sigaw ni Darton. Mabilis akong bumaling sa kanya na sana ay hindi ko ginawa. Busy sa pag ce-cellphone si Luther na hindi manlang ako tinapunan ng tingin. Si Simon ay nakatingin sa akin habang nakataas ang isang kilay.

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now