"Woooow miss, ang cute mo pag naiinis ka--" Sabi ni tambay 3 at bigla siyang nasakal.

"Kala mong hayop ka! si Kalene pa pagdidiskitahan mo! akin yan!!" sabi naman ni Zabre habang sinasakal si tambay 3. Wala namang makakarinig kay sabre kaya ok lang na magsabi sya ng kung ano ano.

"Uy tsong! hala!! ano nangyayari sayo!" sabi naman ni tambay 1. Nabitawan niya si Kalene at tumakbo para tumulong kay tambay 3. Binitawan na rin ni tambay 2 si Kalene at tumakbo na si Kalene at agad na pumara ng trike pauwi.

"Ughhhk-- t-tt-tu--lu-ggghhkkh---ngg---" Nagmamakaawa na humingi ng tulong si tambay 3 at hindi parin ito pinigilan sakalin ni Zabre. Pilit na tumatakas si tambay 3 pero walang nangyayari at muka na siyang mababawian ng buhay. Nagtataka na ang dalawa niyang kasama kung bakit sya ganun. Sabi naman ni tambay 1 eh muka lang naman siyang nagaacting. Agad naman nagaalala si tambay 2 at nagpapanic kung anong gagawin.

Pinakawalan naman siya ni Zabre kasi medyo naaawa na ito. Umalis nalang siya at gumala gala. Takang- taka ang 3 tambay sa mga nangyari.

"Para talagang may biglang nanakal sakin. Medyo malamig at akala ko mamamatay na ako." kwento ni tambay 3 sa mga kasamahan niya.

Hindi naniwala si tambay 1 at sabi nalang ni tambay 2 ay pabayaan nalang at wag nalang umulit sa pagtatangka ng rape o magnakaw kasi lagi naman silang naaudlot o may pangit na nangyayari. Pero di pa naman sila nahuhuli ng pulis.

Si Xarred naman ay walang kaalam alam sa nangyayari, kasi malayo ang distansya nila ni Kalene at may naririnig naman siya sa kung anong nangyayare, pero pinili naman niyang wag nalang pakialaman. Baka kasi mamaya budol budol gang lang.

Kalene's POV

Sa wakas! Naka uwi na rin! grabe feeling ko mamamatay o marerape nako. Grabe talaga. Pagka sakay ko ng trike ay dinereksyunan ko na ito papunta sa bahay namin. Swertihan nga naman eh kakilala ni mama yung driver ng trike. Kaya ayun libre na ako. Hehe.

Naka dating na rin ako sa bahay at binuksan ang pinto. May susi naman ako kaya ayun.

"Anak, bat mukang pagod na pagod ka? may school activity ba ngayon?" sabi ni mama.

"Ah! wala naman. Tumaas baba lang ako sa building ng school namin para hanapin ko lang. Kakahingal nga eh." sagot ko sa kanya.

"Oh 'nak, nahanap mo ba?" tanong ni ma.

"Oo naman ma! nasa bag ko lang naman." Sagot ko. E ang totoo nyan e masyado akong na-tense sa nangyari kanina sa kalye.

"Kain ka na, nakahanda na yung pagkain sa mesa." yaya ni mama saakin.

"Ay! ehehe busog pa po ako eh. Inom nalang po ako ng tubig." sabi ko sa kanya.

"May pizza don-- Oy Kara. Tirhan mo ng pizza yung kapatid mo." sagot niya.

"aa-aa- eh busog na po ako kahit napagod ako e hindi naman ako nagutom." tinangging sabi ko kay ma. Biruin mo, pizza, tinanggihan ko pa, kahit fave ko yun. Hehe. Ganyan talaga pag pagod at tamad ka. Pumunta nalang ako sa water dispenser at pinuno ang fave mug ko ng tubig.

Dumerecho ako sa kwarto ko at pinatong ang baso ng tubig at kumuha ng damit at pumasok sa CR dun sa may kwarto ko at nagpalit. Naginhawaan naman ako at dumerecho na sa kama.

May nararamdaman nanaman akong feeling na pamilyar. Haaaaaaaaaaaay. Gutom lang to. Hehe nakakatamad kasi kumain. Oo sobrang tamad ko e tinatamad nalang ako kumain.

Ininom ko nalang ung tubig sa ibabaw ng drawer at sabay na nag-dive sa kama.

Pagdive ko ay kinuha ko ang school bag sa di kalayuan ng hindi umaalis sa kama (onting stretching lang ang kailangan) at binuksan ko ang bag ko at kinuha ang phone ko sabay nag tumblr. Hehe. Narealize ko na ding sabado pala bukas at wala akong gagawin. Pinost ko sa tumblr ung nangyari sakin (in english) at sabay na stinalk si crush. Hahahaha. Wala namang masyadong nangyayari sa profile niya sa fb.

Agad ko namang pinatay ko na rin ang phone ko at binato yung phone somewhere sa kama. Tinatamad talaga ako kasi dulot na rin ng pagod at bukas ko nalang aralin yung libro tungol sa watercolor na hiniram ko sa library.

"Goodnight world!" sabi ko sa kawalan at pinatay ang lampshade. Wooh! ang intense talaga!

Zabre's POV

Naabutan ko si Kalene sa kwarto niya bago matulog. Tinitigan ko nalang yung mga iba niyang drawing niya na naka frame. Grabe ang galing galing niya talaga at ang proud ko sa kanya. Hehe. Narinig ko siya magsabi ng "Goodnight world!" ayun at pinatay niya na ang lampshade kasi matutulog na siya.

Mga ilang minuto siguro lumipas na naramdaman ko na mahimbing na ang kanyang tulog at sinabihan ko siya ng maliit na dasal para di bangungutin si Kal.

Hayy masyado akong excited na makita ako ni Kalene. Ewan ko kung kelan iyon mangyayari. Pero isang bagay lang sigurado. Pag patay na siya. Hehe.

•Invisible | Ch. 4 end•

--

A/n: Sa wakas pinahiram na ni tita ung netbook nya. ahahaha so ayun todo type ako dito sa sala magisa. :D vote/comment/add to library para makita kung nag UD na ba ako ehehe

Thanks po sa mga nagbabasa ng storya ko kahit mabagal magupdate! pagbubutihin ko pa 'to pag di ako tinatamad. Huehue

-C

InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon