Umupo si daddy sa kama ko tapos inabot sa'kin yung invitation.

Tinanggap ko naman yun at tinignan.

"Send that to him." Sabi ni Daddy habang nakatingin sa invitation card na hawak ko.

Alam ko naman kung sino yung tinutukoy nyang HIM eh.

"Daddy, baka po hindi sya pumunta."

Hindi na kasi nagpaparamdam si Zoid since our last meet up. Iniisip ko na baka hindi sya pumunta sa birthday ko, pero ganun pa man sinama ko pa rin sya sa 18th dance. Hindi ko alam kung sa pang-ilan sya nilagay nila mommy't daddy. Basta ang sabi ko lang sakanila isama sya kahit na hindi ako 100% sure kung makakapunta nga sya.

"How come? Sinabi ba nya sa'yo?"

"Hindi po. Pero kasi----" Di na ko natapos magsalita kasi pinutol na ni Daddy habang hinahaplos yung buhok ko.

"Don't you trust him? Si Zoid pa. He'll come, my princess. Believe me."

Dahil sa sinabi ni Daddy nabuhayan ako ng loob kaya tumango ako at ngumiti.

"Take care." Hinalikan ako ni daddy bago lumabas ng kwarto ko.

Ako naman parang shunga. Feeling ko bumalik sa'kin yung malaking percent ng energy na nawala. Haha! Nakakatuwa naman. Sana nga pumunta sya.

Naligo ulit ako tapos nag-ayos. Hindi na ko naglagay ng make-up atsaka lipstick kasi mas gusto ni Zoid kapag plain.

Pagbaba ko, pumunta agad ako sa garden. Doon kasi sila nag-uusap para sa party eh.

Niyakap ko si Mommy tapos si Daddy naman. Nakita ko pang napangiti yung organizer.

"Alis na po ako." Paalam ko tapos hinalikan si mommy sa pisngi.

"Aba, masaya na ulit ang dalaga namin ah." Tuwang-tuwang sabi ni mommy tapos tumingin kay Daddy nang nakangiti.

"Bye po!" Kumaway ako sakanila pati na rin sa organizer bago tumakbo palabas ng gate. Doon kasi nag-aantay yung driver namin.

How To Attract A PlayboyWhere stories live. Discover now