Chapter 18: Lipstick

10.4K 220 8
                                    

Chapter 18 

**Lipstick**

"ZOID!!!!" Pagsigaw ko sa pangalan nya.

Hinawakan ko yung pisngi ko dahil nararamdaman kong basa. Basang-basa ng luha.

Panaginip lang pala. Haaaay... akala ko totoo na. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Mabuti nalang panaginip lang yun dahil hindi ko ma-imagine na iiwan ako ni Zoid.

Ayokong mangyari yun ;(

Saktong pang-sigh ko, nasalubong ko ang tinging nanlilisik nung librarian. Dahil siguro sa pagsigaw ko >o<

>_> 

<__<

Tumingin-tingin ako sa paligid dahil wala akong ingay na naririnig.

At asdfghjkl lang!!!

Nasa library pala ako kaya ang tahimik. Tapos lahat ng tao dito nakatingin sa'kin >___<Ang awkward lang.

Ang agaw eksena ko naman. Haha!

Kinuha ko yung mga libro ko at tumayo. Para akong ewan na tinatakpan ng libro yung mukha ko habang naglalakad.

Nakakahiya talaga >„<

Joshua's POV

Ano ba yan =___= Ang tagal namang magising ni Zai. Inaantok na ko eh *yawn*

Natulog ba naman sa loob ng library?

Kung hindi lang ako inutusan ni boss na bantayan ko sya, kanina pa ko nasa bahay at nagbabasa. Hindi rin naman ako makapagfocus sa binabasa ko dahil baka mawala sa paningin ko yung babaeng binabantayan ko.

"ZOID!!!"

Ay pushang gala!

Nawala antok ko sa sigaw nya ah! Halos lahat ng tao dito sa library napatigil sa mga kanya-kanyang ginagawa dahil sa pagsigaw nya.

Pati ba naman sa paniginip si Zoid pa rin? Naguguluhan na ko sa dalawang yan. Mukhang Zoid yang si Zailie tapos si Zoid naman naggi-girlfriend ng iba tapos sa'kin pababantayan -.- Buhay naman oh!

Bakit kaya hindi nalang nya gawing girlfriend si Zailie para sya na yung magbantay? Hindi yung inuutos pa sa iba, may kasama pang pananakot. Tsk.

How To Attract A PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon