"Okay. Kahit ayaw mong makinig, magpapaliwanag ako. Gustong linisin yung pangalan ko sa'yo, okay? Ayokong magkaroon ako ng bad record sa babaeng nililigawan ko ng napakatagal. Kaya ganito.... ehem."

Pumeke sya ng ubo bago magsalita. Ako naman, nakatingin pa rin sa white board na kunwari hindi ako nakikinig. Ewan ko ba! Pero parang gustong-gusto ng buong ako na makinig sa paliwanag.

"Totoo yung sinabi ni Courtney na nagsi-send ako sakanya ng mga messages na gusto ko na syang bumalik." Tumingin ako sakanya at tinitigan sya ng masama. "But that was before, 3 years ago." He continued.

Inirapan ko sya tapos tumingin na ulit sa harapan.

"Hindi naman sya nagrespond sa lahat ng messages ko sakanya hanggang sa nagsawa na ko at nakalimutan ko na yung nararamdaman ko sakanya dahil nakilala.... kita."

I bit my lowerlip to keep me from smiling.

"Nagsend din ako ng message sakanya na ayoko na at itigil na namin yung relationship namin kasi wala rin naman. Again, hindi na naman sya nagrespond so I assumed na pumayag sya."

Nararamdaman ko na naman ang pangungulbit nya, "Please naman, Labs! Pansinin mo na ko. Papayag ba kong ligawan ka ng napakatagal na hindi ko naman talaga ginagawa sa ibang babae at papayag ba kong magpaalila sa'yo kung hindi ako seryoso sa'yo? Uy," tinutusok-tusok nya yung braso ko.

Humarap ako sakanya, "Oo na."

"Anong oo na? Tayo na?" He asked hopefully.

"Mangarap ka! Oo na. Naniniwala na ko sa'yo. Pero dahil dun, mas patatagalin ko pa yang panliligaw mo!"

Zai's POV

Nung dismisal na namin ni Chloe, naabutan namin si Ceejay sa tapat ng room. Nangungulit na naman. At eto namang si Chloe, masyadong pabebe. Ef na ef na hinahabol sya ni Ceejay. Haha!

Kaya eto na naman ako, mag-isang naglalakad papunta sa mini park ng DH university. Habang naglalakad, natanaw ko si Clyde na naka-civilian. Nakaupo sya at may hawak na cellphone. Mukhang nagti-text.

Biglang nag-init ang ulo ko potek! Hinding-hindi ko makakalimutan yung sinabi nya sa'kin na he really do want to bed me. Argh! Nakakabastos kaya!

Sakto, may hawak akong coke-in-can. Lumingon-lingon muna ako sa paligid. Lahat sila busy sa mga kani-kanilang chitchat. May nagsi-cellphone, naka-iPad, may group of friends na nagpi-picnic at may dalawang nilalang na nagtuturuan kung paano gumamit ng gitara. Ay teka! May nakita pa kong isang lalaking nerd na nagbabasa ng libro. Nalaman kong nerd sya kasi kita yung mata nya though natatakpan yung mukha.

How To Attract A PlayboyWhere stories live. Discover now