I

62 8 15
                                        


"AND.......CUT.
Okay guys, pack up," si Direct. Salamat at natapos rin ang filming namin. It's already 2:30 in the morning.

"You did a great job hija, the role you portrayed fits on you perfectly," bati niya sakin ng nakangiti bago nag beso.

"Syempre naman Direct, ikaw nag guide sakin eh," sabay yakap ko sa kanya. Siya ang higit na pinasasalamatan ko sa lahat ng achievements ko bilang artista.

"O siya, sige mauuna na ako. Mag aayos pa ako ng gamit. Magpahinga kana after hah," pagtapik niya sa likod.

Lumakad na rin ako papunta sa tent kung saan nakalagay ang mga gamit ko at nag ayos narin.

Naglibot tingin ako sa tent kung may maiiwan pa ba akong gamit. Nang wala akong makita ay naupo muna ako at nirelax ang mga mata.

Napadilat ako ng may maramdaman akong pumasok sa tent. Nilingon ko agad ito. Si Ryan, 'yong leading man ko sa movie.

"Oh, Ryan. May kailangan ka?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Hmm. Pwede ba kitang makausap?" Nag aalangang tanong niya. Halata mo sa kanyang kinakabahan sa mga salitang isasagot ko sa kanya.

"Sige," pag sang-ayon ko.

Agad siyang lumapit sa kinaroonan ko at lumuhod.
"Gabbi, patawad. Patawad sa mga ginawa ko sayo. Patawad sa sakit na idinulot ko sayo.Gabbi.. minahal kita at hanggang ngayon... mahal pa rin kita."

Nagpantig ang mga tainga ko nang marinig ang katagang iyon.
Hindi ko malaman kung ano mararamdaman ko. Nagagali ako sa kanya pero, nangingibabaw rin ang sakit na dinulot niya.

Akala ko... Akala ko sa ilang buwan kong pag aabala sa aking sarili ay nakalimutan ko na siya. Nakalimutan ko na ang pagmamahal ko sa kanya.

Hindi pa pala...

Nangingilid ngilid na ang mga luha sa kanyang mga mata. Samantalang ako naman ay kumukurap kurap upang mapigilan ang pamumuo ng mga luhang nais kumawala sa aking mga mata.

"Gabbi, sinubukan kong ibaling sa iba ang pagmamahal ko sayo mula nung naghiwalay tayo pero, i-ikaw pa rin eh. Ikaw pa rin. t-tayo na lang u-ulit—"

Huminga muna ako ng malalim upang maitago ang emosyon ko. "Masaya na ako sa buhay ko Ryan. Ilang buwan na rin ang nakakalipas. Nakapagsimula na ako nang wala ka sa buhay ko." Nakangiti habang binabanggit ang mga katagang iyo'n.

"Noong panahong siya ang sinasamahan mo. Na siya ang pinili mo. Noong mga panahong nahuli ko kayong niloloko ninyo ako," pagtutuloy ko. Nakangiti man ay mababakas pa rin sa 'kin ang pait at pighati na dulot ng nakaraan.

Kahit anong pagtatago ko pala lalabas at lalabas pa rin ang emosyon na matagal ko nang kinikimkim.
Bumabalik ang sakit. Bumabalik ang mga alaalang pilit kinakalimutan.

Ang panloloko niya.

Ang pagtataksil nila.

"H-hindi—" saglit siyang napatigil. Napalitan ng pagka gulat ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Ngunit agad din naman niyang nabawi iyo'n.
"H-Hindi kita niloko! Lasing ako no'n. Maniwala ka sakin please."
At tumulo na nga ang kanyang mga luha na pinipigilan nung una pa lang.

Nag-init bigla ang aking ulo ng marinig ko ang rason niyang iyon.
"Gosh, Ryan! Did you expect me to buy that shitty reason of yours? Lasing ka nga!" Hindi ko maiwasang mapangisi. "The hell I believe you." Pailing-iling na pagpapatuloy ko.

Nagsimula na ring umagos ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko na mapigilan. Traydor talaga ang mga luhang ito.

Saglit natahimik ang paligid. Wala nang ibang marinig kundi ang aming mga paghikbi.

"G-gabbi, baby... Come back to me please? C-come b-back.."
Kitang kita ko ang pagsusumamo niya.

Hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko.
Some part of me wants to give him another chance.

Pero hindi ko siya mabibigyan ng chance kung hindi ko pa siya napapatawad.

Huminga ako ng malalim saka nagsalita.
"Hindi ko sasabihing hindi kita mapapatawad. Dahil alam kong darating ang araw mapapatawad at mapapatawad pa rin kita." Sumilay ang ngiti sa kanyang mukha. Nagliwanag ito na tila nagkaroon ng pag asa.

"Pero hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo. Minsan mo ng winasak ang puso ko. Hindi ko na hahayang gawin mo ulit iyon." Tumalikod na ako sa kanya. Nararamdaman kong nanghihina na ang mga tuhod ko. Anumang oras ay maaari akong matumba dito sa kinatatayuan ko.

Huminga ako ng malalim muli at akmang hahakbang palabas nang hinila niya ako at niyakap patalikod..

Mas lumakas ang paghikbi naming pareho. Nawalan na rin ako ng lakas.

"G-gabbi p-please. Ano pa bang gusto mo hah! Nagmamaka awa ako! Kahit bigyan mo lang ako ng pagkakataon upang patunayang muli ang sarili ko." Napapaos na pagsasatinig niya..
Habang nasa bisig niya ako ay bumabalik sa isip ko lahat ng alaala namin. Mula sa malulungkot hanggang sa mga alaalang masasaya namin na mas lalong nakakapagpaluha sa akin.

Inipon ko ang natitirang lakas ko at ginamit iyon para makawala sa yakap niya.

Nang makawala ako ay hindi na ako nagsayang pa ng oras at nagsimula nakong maglakad. Baka hindi ko na kayanin pa kung mananatili pa ako.

"Gabbi, gagawin ko ang lahat. Handa akong gawin ang lahat. Bumalik ka lang sa akin."
Sambit niya na nagpatigil sa paghakbang ko. Nakatalikod lang ako sa kanya habang nagpupunas ng luha ko. Hindi ko na kayang harapin siyang muli. Baka kapag humarap pa ako sa kanya ay.. bumigay na naman ako..

Nararamdaman ko ang dahan dahang  paglapit niya sa akin.
Ngunit agad din siyang napatigil ng nagsalita ako

"K-kung ganoon lang sana k-kadali R-ryan... kung ganoon lang sana.."

"Ano pa bang gusto mo hah? Gabbi, lumuhod nako't nagmakaawa! Ang tigas ng puso mo! Ganyan ba kalaki ang galit mo sa'kin?" Napasabunot nalang siya sa kanyang buhok nang matapos siyang magsalita. "I can't believe you," Pailing iling na dagdag niya.

"I'm done with this. I'm done with you!" Naihilamos niya ang kanyang kamay sa mukha bago dali daling lumabas ng tent.

Patakbo kong tinahak ang sasakyan ko at doon na binuhos ang lahat ng emosyong kanina ko pa pinipigilan.

Mahal pa rin naman kita Ryan pero, hindi na madaling magtiwala sa taong minsang nanloko na.

Mahal kita, oo, pero kung ganoon lang sana kadaling gawin ang pinapagawa mo,

Hindi na ako mag aalinlangan pa.

Patawad... Patawad.

--

PatawadWhere stories live. Discover now