"Good morning ma'am." Bati namin pabalik sa kanya.
"Kakagaling lang nming mga teachers sa meeting kanina with the school administrators at ang sabi magkakaroon daw tayo ng seminar ulit na gaganapin this Friday." Wika ni ma'am. Seminar na naman! Bakit parang ang aga naman namin magseminar ulit eh last year, September na iyon eh mag juJuly pa lang ah!
"Ano pong itatackle sa seminar namin sa Friday ma'am." Tanong ni Ren.
"About sa cyber-bullying. Ang pagkaka alam ko, last year daw may seminar na daw kayo at ang tinackle niyo is about drugs. I'm I right?" Tanong ni ma'am. Tumango kami.
"So ngayon, Cyber-bullying naman." Wika niya. Tumango tango kami.
"Paano po ma'am kung hindi makaka punta sa Friday?" Tanong ulit ng isa kong classmates.
"Attendance is a must kaya kailangan niyong umattend. Sa mga aatend, mag hehello kayo kay guidance counselor. So I hope, kumpleto kayo sa Friday ah! Kukunin ko iyong attendance niyo kay Ren. Siya na ang bahalang magsasabi sa akin kung umabsent ba kayo o hindi. So that's all for today. See you on Friday. Goodbye." Paalam ni ma'am tapos umalis na.
"Goodbye ma'am." Sabi namin kahit na wala na siya. Nagsibalikan na ulit kami sa mga kanya kanya naming pwesto kanina.
"Hindi ako makaka punta bukas." Bungad agad sa akin ni ate Resse pagka upong pagka upo ko sa tabi niya.
"Waeyo?" Tanong ko rin.
"Kasal ng pinsan ko at isa ako sa bridesmaid kaya kailangan kong pumunta sa kasal." Sagot niya. Tumango tango ako.
"Ako din, hindi ako makaka punta." Sabi ng katabi kong si Momo.
"Ha? Pati ikaw? Bakit?" Tanong ko rin. Wahhh! Mamaya ako lang ang pupunta sa aming magkakaibigan, ay! Hindi ko alam gagawin ko!
"Kasi nga di ba, tuwing Friday ako umuuwi sa amin. Ang layo layo pa naman noon kaya kailangan kong umuwi. Tsaka bukas na 'yang seminar na iyan, naka plano na iyong pag alis ko." Sagot niya. Napa simangot naman ako.
"Paano iyan, magaguidance counselor daw ang hindi pupunta oh!" Wika ko pantakot sa kanilang dalawa.
"Hmmmp! Bayaan mo 'yan! Maguguidance na kung maguguidance eh kailangan ako sa kasal ng pinsan ko alangan namang hatiin ko katawan ko." Naiinis na sabi ni ate Resse.
"I agree with ate." Sabi naman ni Momo.
"Parang ayaw ko na rin tuloy pumunta." Wika ko sa kanila dahil nalaman kong hindi pala sila pupunta bukas.
"Wahhh besh! Kahit hindi kami pupunta bukas, dapat pupunta ka." Wika ni Momo.
"Bakit naman?" Nagtataka kong tanong.
"Para makita mo si Kelso. Malay mo may magandang mangyari bukas sa inyong dalawa." Sabi niya. Napatawa naman ako ng mapakla.
"Tssk! Alam mo besh, mapaglaro ang tadhana. Kahit gusto mong may mangyaring maganda sa inyong dalawa nang taong gusto mo, hindi mangyayari at mangyayari dahil ayaw ni tadhanang mangyari ang gusto mo. Maswerte ka na lang kung ang expectations mo maging reality." Sagot ko sa sinabi niya.
"Pero paano kapag hindi ka pupunta, tapos may mangyayari pa lang ikasasaya mo, hindi ka ba magsisisi na bakit hindi ka pumunta?" Wika ni Momo sa akin.
"Atsaka Keisha, sa seminar mo first time makitang sumayaw si Kelso at dahil doon, nakilala mo siya. Ayaw mo bang ibalik iyong dati mong nararamdaman katulad noong naramdaman mo noon? Iyong feels mo noon noong nakita mo siya. Kahit alisin mo muna iyong nararamdaman mo ngayon sa kanya at iparamdam mo ulit sa sarili mo iyong naramdaman mo sa kanya noon, hindi ba parang ang sarap lang sa feeling." Sabi naman ni ate Resse. Tumango tango kayo.
"Yeahhh... Tama kayong dalawa ate, Momo pero sige pupunta ako bukas. Magtatake risk ako. Kung may mangyayaring maganda bukas sa amin, haharapin ko 'to ng may kagalakan at kung wala naman, tatanggapin ko 'to ng buong puso dahil alam ko in the end ako at ako din naman ang makikinabang." Wika ko. Tumango tango sila tapos ngumiti sa akin. Ngumiti din ako pabalik.
Dahil bukas haharapin ko ulit si tadhana nang mag isa.
But this time, hindi na ko mahina.
Hindi na ko uurong pa.
Dahil kapag hindi ko 'to ginawa, alam ko sa sarili kong magsisisi rin ako sa huli.
Kaya sana tadhana, sumang ayon ka sa amin bukas.
At sana, makita ko siyang sumayaw ulit.
Sana.
❌❌❌
YOU ARE READING
NOBODY'S BETTER
Teen FictionNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...
💕 NOBODY'S BETTER 4 💕
Start from the beginning
