Chapter 37: Sana

1K 23 2
                                    

Mabilis na lumipas ang panahon. Pangatlong araw na namin dito sa Isla Sabelino. At sa tatlong araw naming pag-iistay ay marami na kaming nagawa. Konti na lang ay maiikot na namin ang buong Isla Sabelino.

Nagawa na naman namin lahat ng water activities na pwedeng gawin sa Isla Sabelino. Pwera na lang sa swimming dahil balak namin iyon kapag huling araw na namin. para memorable talaga.

Ngayon ay naisipan naming pumunta sa mall para bumili ng mga pasalubong. Wala kasi rito sa hotel na tinutuluyan namin. Halos mga restaurant lang ang narito. Bawala yata ang mga souvenir shops.

Nung matapos kami sa pamimili ay nagpayabangan sila. Nandito kami ngayon sa McDo.

"Fate," Tumingin ako kay Scotty at nilapag sa table ang iniinom kong float. Binaling ko ang tingin ko sa kanya at napapikit nung bumalandra sakin ang braso niya. "Nakita ko sa souvenir shop." Dinilat ko ang mga mata ko.

Isang kwintas na naman ang binigay sakin ni Scotty. Halata mo na antique ang kwintas. "Sana naman ingatan mo na ito..." Bigla kong naalala ang nangyari samin nun ni Chance. Yung inutusan niya ang tatlong lalaking bumangga sakin para kuhanin ang kwintas.

Narinig ko ang tuksuhan ng mga taong nakapaligid samin. Maging si Bonnie ay boto samin ni Scotty. Ani niya na hamak na mas matino si Scotty kaysa kay Chance.

Nawala ang atensyon samin nang magsalita si Damian. "Nasaan si Chance?" Tanong niya at lumingon-lingon pa na para bang may hinahanap.

"Katabi mo, ah." Sabi ni Bea.

"Oo nga... Bakit hindi mo napansing umalis?" Untag naman ni Cyril.

"Hayaan niyo nga siya, I'm sure nandyan lang yun..." Sabi ni Scotty na cool lang ang dating.

Agad akong ginapangan ng kaba. Nasaan nga kaya yun? Matapos nun ay wala na ako sa mga usapan nila. Nalunod na naman ni Chance ang isipan ko. At last, nakaisip ako ng matinong excuse para makaalis dito at hanapin si Chance...

"CR lang ako, huh?" Sabi ko.

"H-huh? Samahan na-"

"Ano ka ba naman, Scotty... Kaya ko ang sarili ko, hindi naman ako bata..." Sabay ngiti sa kanya.

Dumerecho ako sa CR pero nagtago ako dun sa pader. Tumingin ako sa table namin. Wala namang nakatingin dito kaya malaya akong makakatakas... Mabuti na lang talaga at may isa pang pintuan ang McDo na ito.

Nagulat ako nung paglabas ko ng McDo ay bumalandra sakin ang isang arko na may nakalagay na 'Funventure'. Isa siyang amusement park.

Nagbabaka sakali akong nandoon si Chance kaya pumasok ako. Bwisit nga dahil nagastusan pa ako ng 50 pesos...

Pagpasok ko ng amusement park ay agad na may nagtakbuhan sa unahan ko. Ang saya tingnan ng mga bata sa amusement park. Naaalala ko tuloy nung minsan kaming pumunta ni Chance sa mga ganito.

Bata pa lang kami nun kaya mahilig kami pumunta sa peryahan samin tuwing may fiesta. Naalala ko nun na napaihi sa takot si Chance nung tinry namin ang horror house. Hahaha! Tuwing naaalala ko yun ay naaalala ko si Chance.

"Hindi ka ba hahanapin ni Scotty?" Tanong ng isang boses na nanggagaling sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko si Chance.

Sorry pero sasabihin ko ulit ang salitang gwapo. Eh kasi naman eh! Gwapo naman talaga siya. Kitang-kita mo ang perfect jawline sa mukha niya na para bang pinag-aksayahan talaga ng Diyos na ukitin para maging perpekto. Yung mga mata niya ba bagay sa kanya. Yung matangos niyang ilong at mapulang labi. Idamay mo na rin ang buhok niyang nakataas na medyo gulo-gulo. Nakakasusot ang buhok niya dahil hindi mo malaman ang estilo nito pero parang mas nadadagdagan ang pogi points niya sa mga babae kapag ganyan ang buhok niya.

"Uulitin ko... Hindi ka ba hahanapin ni Scotty?" Medyo nahimas-masan na ako. Nagulat talaga ako dahil malapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Tumakas lang ako." Sabi ko.

"Bakit?"

"Para sundan ka."

"Stalker na pala kita ngayon?" Nakangisi ang mokong.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Feeling ka na pala ngayon?" Ginaya ko ang tono niya.

"Sige... Gayahin mo pa ako, baka magaya mo rin pati nararamdaman ko."

Ano daw?

"A-ano ba yang mga sinasabi mo, Chance?"

Ngumisi na lang siya sakin at naglakad palabas ng Funadventure. Sinundan ko siya. Wala na rin naman kasi akong gagawin pa sa loob.

Tahimik lang kami ni Chance habang naglalakad pabalik sa McDo. Ni hindi na siya nagsalita pa pagkatapos nun.

"Bakit kayo magkasama ni Chance?" Pamungad na tanong ni Scotty.

"Pila kasi sa CR eh." Sabi ko.

"May nakalimutan akong gawin sa CR." Sabi niya.

Napatingin ako kay Chance. Narinig ko naman ang mahinang tawanan, bumalik kami sa mga bakanteng upuan na pwesto namin kanina.

"Ano naman ang nakalimutan mong gawin sa CR, huh, Chance?" Tanong ni Nelson.

"Nakalimutan kong umihi." Sabi niya. Kakaupo ko lang nung sinabi niya yan.

WHAT A FREAKING LAME EXCUSE!

Halos mapaface palm ako sa sinabi ni Chance habang sila ay panay ang tawa at panunuya sa kanya.

Hanggang sa makarating kami sa hotel, pinagtatawanan pa rin siya. Paminsan-minsan naiiba naman ang topic nila pero bumabalik pa rin sa lame excuse na binigay ni Chance kanina.

Maging si Scotty ay tumatawa.

Ako naman ay wala ang isip sa mga pinag-uusapan. Ang isip ko ay nakatuon mula sa mga sinabi ni Chance. Ano ba ang ipinapahiwatig ni Chance? Una sa lahat, ayokong mag-assume. Bakit? Dahil kapag nag-assume ako tapos mali pala, mas masasaktan lang ako at ayoko nun. Pangalawa, paano nga kung tama ulit ang sinasabi ni Bonnie na baka may gusto na sakin si Chance? Paano nga? Posible ba yun?

"Anong iniisip mo, Fate?" Tanong ni Scotty. Nagulat ako dahil bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Hulibko kasing kita sa kanya ay na kina Nelson siya, nakikipagtawanan. Halos ako ang nahuhuli sa kanila.

"Wala, hindi naman gaanong importante." Pagsisinungaling ko.

"Sana..." Tumingin ako sa kanya. "Sana hindi ako yung iniisip mo." Sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?" Sabi ko.

"Kasi sabi mo hindi naman gaanong importante ang iniisip mo ngayon kaya sana hindi ako yan, kasi kung ako nga yan, para mo na ring sinabing wala akong pag-asa sayo..."

Umiwas ako ng tingin at sa pag-iwas kong yun ay nahagip ng mga mata ko si Chance na halata mong nakikinig samin.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon