Chapter 25 : When the past reaches the present

Start from the beginning
                                    

“Omario kalma lang, hindi ka naman ipapa-expell ng principal dahil sa nangyari kay Cooper.” I assured him kaso nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Ewan ko ba pero para bang naririnig ko siyang umiiyak.

“Luigi… Luigi naman wag ka ngang umiyak, mahahawa ako.” Hindi ko alam kung bakit ganito ang naging reaksyon ni Luigi pero naaawa ako sa kanya. Nanginginig ang mga kamay niya habang nakayakap sa akin kaya hindi ko magawang kumalas. Niyakap ko nalang din siya pabalik.

--------

Nagulat ako nang makarating kami sa kwartong pinagdalhan kay Cooper. Punong-puno kasi ng mga doodle ang dingding na para bang bata ang gumawa. May mga litrato din ditong nakadikit; iba’t-ibang mga bata kasama si Cooper pero lahat sila naka-damit pampasyente kabilang narin si Cooper.

Hospital room ba talaga to?

“Tangina mo Cooper. Mabuti naman at gising ka na.” Halata ang sigla sa boses ni Luigi at dali-dali niyang inalalayang makaupo ng maayos si Cooper.

“Luigi wag mo tong sasabihin sa mommy at daddy ko.” Hinang-hina ang boses ni Cooper at halata sa mukha niyang namimilipit siya sa sakit. Napatingin siya sa direksyon ko, halatang nagulat siya nang makita ako at otomatikong kumurba ang malapad na ngiti sa mukha niya.

“No pets allowed dito!” Sigaw niya sa akin habang tumatawa.

Pakiramdam ko may pag-uusapan silang importante kayat nag-volunteer nalang ako na bumili muna ng maiinom at makakain.

-----

Children’s ward pala tong kinaroroonan ni Cooper, kakaiba dahil may sarili siyang kwarto. Yaman talaga ng ulol na yun.

Pakiramdam ko naliligaw na ako, hindi ko kasi mahanap kung nasaan ang hagdanan o elevator, masyado kasing malaki ang buong floor tapos nakalimutan ko pa ang dinaanan namin kanina.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa makuha ng atensyon ko ang isang pader na punong-puno ng mga litrato. Di gaya ng mga litrato sa kwarto ni Cooper, dito halo-halo. Iba’t-ibang mga bata, may mga teenager din. Yung ibang mga litrato napakaluma na.

Magkahalong lungkot at paghanga ang naramdaman ko habang tinitingnan ang mga litrato, halata sa mukha ng mga batang nandito na may mga malulubhang sakit sila pero nagagawa parin nilang ngumiti sa kabila ng lahat.

Nagulat ako nang makita ko ang litrato ni Dilly sa pader, nakatingin siya sa kawalan pero nagagawa pa niyang ngumiti. Sana talaga makakita na siya. Aalis na sana ako nang mapansin ko ang isang kakaibang litrato; isang batang lalake ang nakahiga sa kama, madaming aparato ang nakakabit sa katawan niya, katabi niya ang isang batang babaeng nakangiti ngunit kapansin-pansin ang pamumula ng mga matang tanda ng matinding lungkot at pagluha. Kinilabutan ako nang mamukhaan ko ang bata…. Kamukhang-kamukha ko siya… Yung pigtails…Yung suot. May isa akong litrato noong bata pa ako at kamukhang-kamukha ko ang batang ito, pati ang suot.

“First time mo dito? Nakakahanga ang mga batang to no?” Tanong ng isang nurse na lumapit sa akin. Medyo matanda na siya.

“Ilang taon na po kayong nagt-trabaho dito?” Tanong ko pabalik.

“Mahigit sampung taon,” napabuntong hininga siya, “Araw-araw kong nakikita ang mga paghihirap nila dito pero hindi parin ako nasasanay. Nakakalungkot ang sinapit ng iba… Ang babata pa nila..”

Itinuro ko ang litrato ng batang kamukha ko. “Ma’am kung matagal na po kayo dito, kilala niyo po ba ang batang to?”

Tinitigan niya ng mabuti ang litrato at dahan-dahang tumango, may kahalong lungkot ang mukha niya. “Hindi ko na naalala ang mga pangalan nila, sampung taon na ang nakakaraan pero sariwa pa sa isipan ko ang iyak ng batang babae lalong-lalo na nang malaman niyang namatay ang kapatid niya.”

10 years ago? Kung titingnan parang below 7 years old lang ang batang babae. Kung tutuusin ka-edad ko ata siya ngayon…

“Na-comatose ng ilang linggo ang batang lalake sa litrato dahil sa isang aksidente, kinalaunan hindi na kinaya ng katawan niya kaya binawian na ito ng buhay. Sa pagkakaalala ko, kakambal niya tong batang babae. Naalala ko pa, halos tumira na rito ang batang babae dahil araw-araw niyang hinihintay magising kakambal niya.” Kwento ng nurse. Hindi ko namalayang naiyak na pala ako dahil sa kwento niya. Kawawa naman ang mga bata.

“Nasaan na po sila?” Tanong ko habang pinipigilan ang luha ko.

“Hindi ko na alam kung nasaan ang batang babae. Pero tong batang bulag na kaibigan din nila,” nagulat ako nang bigla na lamang niyang itinuro ang litrato ni Dilly, “Paminsan-minsan nakikita ko siya dito sa ospital habang nagpapa-checkup.”

Pakiramdam ko’y unti-unti akong nanghina sa narinig.

END OF CHAPTER 25

Thanks for reading

Vote and Comment ♥

Sleepy's Note : The next update might be next weekend. And I guess five chapters ang mapo-post ko and including na dun ang ENDING. wahahahahaha. OMGGG matatapos na. Maraming-maraming salamat sa inyong lahat na nagbabasa. Naway inyong abangan ang natitirang limang chapters. hihihi. Labyooo guys :**

Chasing HurricaneWhere stories live. Discover now