Chapter 7 : Shut Up Paniki

333K 14.3K 12.5K
                                    

{ Puma's Point of View }

"Goodmorning!" Bati ko sa mga kaklase ko nang makapasok ako sa room. Uupo na sana ako sa usual seat ko nang mapansin kong may lalaking natutulog dun...Aish si Luigi na naman!

"Alis! andami mong germs" Sita ko sa kanya sabay sipa sa paanan ng armchair ko.

"Goodmorning Pumababes" Narinig ko siyang humikab. Lumingon siya sa direksyon ko habang nakahiga parin ang ulo niya sa desk, may pangiti-ngiti pa ang loko mukha namang paniki.

"Shut up paniki. Alis! uupo na ako" Hinila ko ang kwelyo ng uniform niya ngunit waepek, hindi ako ganun kalakas.

"Aish! Puma hindi ka ba talaga naattract sa kapogian ko o di kaya sa cuteness ko?" Pagmamaktol niya at may papout-pout pa, mukha tuloy siyang paniking malnourished.

"No, mas cute pa ang asong galisin kesa sayo." I said and stuck my tongue out

Bigla siyang napangiti ng nakakaloko. "Ikaw puma ah, pansin kong paiba-iba tawag mo sakin minsan aso, unggoy, bayawak tapos ngayon paniki naman. Tawagin mo nalang kasi akong babes o di kaya sweetie." Pagkatapos ay nagwink pa siya sa akin kayat napa-ungol na lamang ako sa sobrang inis.

"If nandito ka parin pagbalik ko, hinding-hindi na kita kakausapin forever" Banta ko sa kanya sabay patong sa likuran niya ng bag at books ko.

Tutal thirty minutes pa before magsimula ang first period magc-cr nalang muna ako. Shet talaga tong si Luigi.

- - - - - - 

As I was walking along the corridors I noticed something shiny on the floor. Nang tingnan ko ito ng malapitan, isa palang necklace. From the looks of it halatang mamahalin, for sure pinaghahanap nato ng may-ari. Letter H ang pendant nito, siguro kay Hurricane to. Siya lang naman kasi ang may pangalang nagsisimula sa H ang name sa room.

Pagpasok ko sa CR ay naabutan ko si Hurricane na naglalagay ng make-up sa harapan ng salamin.

"Hey is this yours?" Tanong ko sabay angat ng necklace kaso di niya ako pinansin, nagpatuloy lang siya sa pag-apply ng make-up.

"Hurricane sayo batong necklace?" Tanong ko ulit and this time lumingon na siya sa akin. At first she looked irritated but nang makita niya ang necklace bigla siyang nagulat at dahan-dahang hinawakan ang dibdib niya. Nang maconfirm niya na wala siyang suot na kwintas dali-dali niyang kinuha sa akin ang necklace.

"Oh my God! Thanks" She said and gave out a faint smile after that muli siyang nagpatuloy sa paga-ayos ng sarili niya sa salamin. Parang napakaimportant ng necklace nayun sa kanya dahil ayaw niya tong bitawan.

"Im Puma." I introduced myself with my wide smile kaso di niya ako pinansin.

Pumasok na lamang ako sa isa sa mga cubicles. Few minutes later may narinig akong nagtatawanan. Based from their voices for sure si Riza yan kasama nung dalawa pa naming classmates.

Chasing HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon