Chapter 25 : When the past reaches the present

Start from the beginning
                                    

“Kilala niyo ba yan?” Tanong ng ale sa amin.

“Kaklase po namin. Kelan pa po siya dito?” Tanong ni Luigi.

“Gabi-gabi yang nagpupunta dito kaso kaninang madaling araw biglang dumating yan dito at umorder ng bulalo. Nakakailang servings na yan kaso biglang nakatulog. Di nalang namin dinistorbo, suki narin kasi namin yan dito eh. May problema ba siya? Minsan kasi nakikita ko siyang umiiyak tapos bigla nalang tatawa. Akala nga namin ng iba, baliw pero galante naman kung magbayad.” Medyo madaldal tong si Manang. Simpleng tanong daming kwento.

Pero si Cooper umiiyak? Parang imposible naman.

“Coop. Hoy Coop gising.” Lumapit na pala si Luigi sa kanya.

Ilang sandali pa’y dahan-dahang idinilat ni Cooper ang mga mata niya. “Tangina, umagang-umaga mukha mo ang nakikita ko. Bwisit.” Sambit ni Cooper habang nakangisi.

“Ang baho ng bunganga mo. Umuwi ka na nga sa inyo, halos mabaliw na ang mga magulang mo kakahanap sayo.” Ganti naman ni Luigi.

Umupo si Cooper at humarap sa bowl ng bulalong nasa mesa niya. Napabuntong hininga siya. “Hayop di ko na naman naubos.” Mahinang sambit niya na para bang dismayado.

“Cooper mamaya na nga yang bulalo. Umuwi ka na sa inyo!” Giit ko kaso tumawa lang siya.

Itinalukbong niya ang tuwalyang dala niya at dahan-dahang tumayo. “Manang mamaya nalang po. Ganun parin order ko ha?” Tinanguan lang siya si Manang.

Nagsimula na kaming mag-ibang ng masasakyang taxi nang mapansin namin ni Luigi na hindi sumunod si Cooper kaya napalingon kami sa kanya.

“Cooper ano pang tinutunganga mo diyan? Tara na!” Sigaw ni Luigi kaso hindi sumagot si Cooper. Nakapako lamang siya sa kinatatayuan niya habang nakayuko ang ulo.

“Hoy Cooper umayos ka nga!” Sita ko sa kanya.

Dahan-dahang itinaas ni Cooper ang ulo niya at nagulat kami ni Luigi nang makita naming may lumalabas na dugo mula sa ilong niya. “Tangina this.” Sambit ni Cooper at walang ano-ano’y bigla na lamang bumagsak sa lupa.

-------

Pabalik-balik sa nilalakaran si Luigi dahil sa pag-alala. Isinugod namin sa ospital si Cooper matapos itong mawalan ng malay at heto si Luigi hindi mapakali.

“Luigi just calm down. Cooper will be okay.” I assured him kaso hindi siya kumikibo. Sinapo lang niya ang ulo niya. Nagtaka ako dahil para bang umiiyak siya. Hindi naman sila close ni Cooper ah? Yata?

Lumabas ang doktor mula sa emergency room at kasunod niya ang mga nurse na tinutulak ang kamang kinahihigaan ni Cooper.

“Doc kamusta na po siya?” Aligagang tanong ni Luigi.

“He’s okay. We’ll just put him in his old room, he’s much more used there.” Wika ng doktor kaya napabuntong-hininga si Luigi.

Chasing HurricaneWhere stories live. Discover now