Chapter 25 : When the past reaches the present

Magsimula sa umpisa
                                    

“Hindi. Bakit ba?” Tanong ni Yani.

“Luigi maaga pa, wag mo muna masyadong alalahanin yun, hindi yun mahilig umabsent eh. Baka late lang?” Hula ko kaso napailing lang si Luigi at nagtatakbo.

“Teka sandali!” Sigaw ko kaso hindi kami pinakinggan ni Luigi.

Nagtaka ako sa kinilos ni Luigi. Magmula nang makilala namin siya 4 years ago ay never siyang naging ganito ka-aligaga. Siya kasi yung tipo ng taong kalmado at pachill-chill lang kahit madaming responsibilidad bilang class president. Pero yung reaksyon niya kanina, parang alalang-alala na natatakot.

“Puma saan ka pupunta? Baka magsimula na ang first period!” Sigaw sakin ni Yani.

“Sandali lang, tulungan ko muna yung hanapin ang baliw.” Paalam ko.

-------

Sinundan ko si Luigi hanggang sa makarating kami sa clinic pero wala si Cooper dun kayat napamura na lamang si Luigi habang sapo ang ulo niya.

“Luigi kalma lang, ano ba kasing nangyari at hinahanap mo si Cooper?” Tanong ko.

“Nawawala si Cooper, Kaninang umaga wala daw siya kwarto niya. Alalang-alala na ang magulang niya sa kanya.” Aligagang sambit ni Luigi. Oo nga pala, anak nga pala ng principal si Cooper kaya siguro namo-mroblema si Luigi kasi siya ang inatasan ng principal na bantayan ang baliw niyang anak.

“Si Cooper ang pinag-uusapan natin dito, baka naman naglakwatsa lang. Alam niyo naman ang takbo ng utak nun, pa-counterclockwise. Luigi wag ka nang mag-alala.” I assured him kaso napailing lang siya.

“Hindi mo naiintindihan, may pinagdadaanan ngayon si Cooper at hindi siya pwedeng mag-isa. May alam ba kayong lugar na mahilig niyang puntahan?” Giit ni Luigi

“Kung saan may pagkain?” Biro ko kaya agad niya akong sinamaan ng tingin.

“Baka naman sa rooftop?” Tanong ko ngunit napailing lang si Luigi. Pinuntahan narin pala niya ito kanina pero wala siya dun.

“Yung mamihan na pinuntahan namin ni Chord last Friday. Sabi ng ale dun daw nagpupunta si Cooper gabi-gabi.” Bigla ko itong naalala.

“Saan yan?”

“Teka wag mong sabihing pupunta ka dun? Magsisimula na ang first period!” Giit ko.

“Puma samahan mo ako! Kailangan kong mahanap si Cooper!” Wala akong magawa kundi pumayag nalang. Naawa ako kay Luigi, halata kasing alalang-alala na talaga siya.

------

Pagdating namin sa mamihan ay parang nabunutan ng malaking tinik si Luigi nang makita niya sa pinagdikit-dikit na upuan si Cooper habang natutulog.

Nakakaawa tingnan si Cooper dahil para siyang taong grasang walang matulugan. Yakap-yakap niya ang isang tuwalya. Nakasuot pa siya ng pajama at malaking t-shirt. Suot-suot rin niya ang pambahay niyang tsinelas tanda na basta-basta siyang tumakas mula sa bahay nila.

Chasing HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon