Anim na buwan simula nung umamin siya sa akin. Akala ko, kaibigan lang. Yun lang. Hanggang sa iba na pala.
Nagtataka ako kung ano nga ba ang mga intensyon niya? Kinaibigan niya lang ba ako para mapalapit ako sa kanya?
Kaya ba lagi siyang mabait sa akin kasi matagal niya na pala akong gusto?
Ayokong masira ang pagkakaibigan namin pero mukhang unti-unti na 'tong nawawala. Ang dating masayang kwentuhan, pagaasaran at kulitan ay napalitan na ng hiya, kaba, takot at ilang sa isa't isa.
Dapat ko bang tanggapin ang pag-amin niya? Kahit na kapatid lang ang turing ko sa kanya?
YOU ARE READING
100 Words
Short StoryShort stories composed of one-hundred words. ** Credits to @bulletradio for the cover!! :)