x. theseus and ariadne

Start from the beginning
                                    

Echosero nagselos pa ako 'yun pala nanay niya lang.

OKAY SHATAP.

Hindi ako nagselos, okay? Nainis lang.

Nahiga na lang ako sa kama ko kahit alam kong sobrang aga pa ng gabi kaya hindi pa ako dinadalaw ng antok ko. Nilabas ko na lang 'yung phone ko tapos naglaro ng walang kwentang flappy bird dahil hindi ako makaalis sa score kong syete :3

Bigla ko na lang narinig na may kumalabog sa may sala kaya nabitawan ko 'yung phone ko't lumanding sa maganda kong mukha.

"Puta!" Napasambit na lang ako kasi mage-eight na ako sa flappy bird tapos putangina lang nung kumalabog dun sa may sala.

Pinuntahan ko 'yun tapos nakita ko si Cy na nakaupo sa sala. Wow, feel at home?????? Bahay mo, bahay mo???????

"Hoy, pano ka nakapasok dito?!" Tanong ko sa kanya sabay duro.

Napatingin siya sa'kin akala ko ngingitian na naman niya 'ko kasi I swear maihahampas ko sa kanya ang pinakamalapit na gamit na mahahawakan ko. Nako, 'wag niya akong dinadaan-daan sa pangiti-ngiti niya kasi hindi ko talaga siya sasantuhin!

"Bukas 'yung pinto kaya pumasok na ako." Sabi niya sa'kin tyaka niya ipinikit 'yung mata niya at  isinandal 'yung ulo niya habang nakaupo sa sofa.

"AND SO?!" Malakas kong pagkakasabi atyaka naglakad ako papunta sa harapan niya't niyugyog siya, "Feel na feel mo namang umupo sa sofa ko? Hoy, umuwi ka na!"

"Anong araw bukas?" Tanong lang niya sa'kin habang nakapikit pa rin 'yung mga mata niya.

Aish! Nakapikit siya tapos tapos nagsasalita tapos 'yung adam's apple niya-- lintek. Bakit kasi ako natingin dun. Eeeek >_______<

"Sabado. O ngayon, umalis ka na!" Pagtataboy ko pa rin sa kanya.

"Eh kelan 'yung role playing sa Greek Myth?" PWEDE NAMAN KASI NIYA AKONG KAUSAPIN HABANG NAKATINGIN SA'KIN HINDI 'YUNG LINTEK NA MUKHA SIYANG KAHALAY-HALAY DYAN SA SOFA KONG NAKIKIPAGUSAP SA'KIN HABANG NAKAPIKIT 'YUNG MGA MATA NIYA

HAYOP

LINTEK

AYOKO NA

AUGGGGGGGH

"Monday!!!!!!!!!!!!!" Inis na inis kong pagkakasabi sa kanya.

Demigoddess - Daughter of ZeusWhere stories live. Discover now