Nag-GM ako sa kanila.

To: Josh, Katie, Flinn, Kris, Jan, Seb;

Pwede next time na ang explanation? Gutom ako. Tnx.

After ko sinend in-off ko ulit ang phone ko. Mamaya ko na ulit i-on pagkauwi ko ng bahay.

Tinignan ko kung saan na siya at nakita kong papalapit na siya kasama ang isang waiter na may dalang isa pang tray. Ang dami na naman niyang inorder pero hindi na ako nagreklamo. Msyado akong gutom para magreklamo pa.

Tahimik lang kaming kumain ng may nilagay siya sa left side ng kamay ko. Pera.

"Hati tayo sa bayad. Wag ka ng umangal pa."sabay subo ng sundae.

"Pero---"

"Kumain ka na lang dyan at manahimik, ok?"wala sa mood na dagdag niya.

Tinignan ko siya habang concentrate siya sa pagkain ng inorder niya. Alam kong alam niyang nakatingin ako pero hindi niya ako pinansin.

Nagkibit balikat na lang ako."Ok. Thanks."sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi ko alam kung bakit wala siya sa mood pero parang may idea ako kung bakit. Gusto ko siyang tanungin pero wag na lang. Hindi naman mahalaga.

At isa pa parang ang lalim ng iniisip niya ngayon.

Natapos ang araw na yun na busog ako at naninibago sa katahimikan niya. Hindi ako sanay na hindi kami nagbabangayan, pero diba magandang pangitain 'to? Mas maganda ngang ganito kami.

Pero bakit parang ayokong ganito kami?

***

The next day hindi ako pumunta ng school para icontinue ang hindi pa tapos na clearance ko. Tumambay na lang ako sa bahay. Late na rin ako nakatulog kagabi kaya late na rin ako nagising kanina.

Buong gabi na ako nag-iisip tungkol sa mga nangyari kahapon. Bakit ko siya pinigilan? Bakit ko siya hinawakan sa t-shirt at kamay niya? Bakit niya ako niyakap? Bakit ganun ang inasal niya kahapon? Bakit...kumabog dibdib ko?

"BAAAKIT?!! AAARGGH!!"sabay gulong sa sahig.

"HOY! Para kang baliw!"

*PAK!*

"Ate naman! Bakit ka naninipa?!"sigaw ko at hinawakan ang likuran kong sinipa niya."Masakit ha!"

"Natatakot na si Manang sayo! Para ka raw sinapian dyan at kinakausap ang sarili tapos biglang sisigaw."umupo siya sa sala at naglipat lipat ng channel."Aish..Ang panget ng mga palabas."

Hindi ko na lang siya pinansin at tinalikuran siya.

Kinakausap ko ba talaga ang sarili ko? Dahil lang kay Antonio nagkakaganito na ako? Bakit ko ba tinatanong ang sarili ko ng mga bagay bagay na hindi ko mantindihan? Bakit ba ako nagpapaapekto sa nangyari kahapon?

Bigla kong naalala nung hinalikan niya ako.

Napahawak ako sa labi ko. Kumakabog na naman dibdib ko. Bakit?

*PAK!*

"Aray naman!"tinignan ko ng masama si Ate."Nakakarami ka na!"

"Para kang timang dyan! May nagdodoor bell! Buksan mo!"

Hinagis ko sa kanya yung unan na tinapon niya sa akin."Pwede naman ikaw! Aish!"

Nagmartsa ako palabas ng bahay at papunta sa gate. Pagkabukas ko ng gate laking gulat ko na makita ko siya. Isang ngiti ang bumati sa akin.

"Yo!"sabay salute niya sa akin.

"Naligaw ka yata?"hindi ko rin napigilan ang ngumiti. Nakakahawa ang ngiti niya. Bakit ko ba iniisip si Antonio, kung andito naman si Josh?

Sobrang bait niya at down to earth. Hindi mainitin ang ulo at kalmado. Pinapasaya pa ako. Sa kanilang anim, sa kanya lang ako komportable. Yun bang pwede mo siyang pagkatiwalaan.

"Hindi, napadaan lang."sagot niya."Mukhang bagong gising ka lang ah?"sabay turo sa ulunan ko.

Napahawak agad ako sa buhok ko. My ghad! Ang gulo!

"Ah! Hindi nuh! Humiga kasi ako sa sala kaya magulo buhok ko."sabay ayos ng buhok ko.

"Cute ka naman kahit magulo buhok mo."ngiting sabi niya sabay gulo ng buhok ko.

Ramdam kong uminit ang mukha ko kaya agad kong pinalo ang kamay niya."Wag mo nga akong bolohin."

"Hindi naman ah!"depensa niya."Oo nga pala. Pwede maimbitahan kang kumain? Lunch?"

"Eh?"

***

[Frost]

Naglibot libot ako sa Mall para bumili ng bagong sapatos. Dagdag sa collection ko. May nakita kasi akong magandang pares ng sapatos kahapon at balak kong bilhin yun.

Habang nagiikot ikot may unwanted species pa akong nakasalubong.

"Tony!!"tili niya sabay kaway at takbo papalapit sa akin. Nakakarindi talaga ng boses niya. At bakit ba Tony ang tawag niya sa akin? Asar.

"What a coincidence! Sino kasama mo?"may ngiting tanong niya. Hindi ko na lang siya pinansin at dirediretsong naglakad pero may nahagip ang mga mata ko.

Bakit sila magkasama? At magkasabay kumain? Nagtatawanan pa? At ito namang walang dibdib halatang kinikilig pa. Landi lang.

Biglang may yumakap sa braso ko. Pagtingin ko, si Sheira na naman.

"I have a secret, Tony."nakangiti siya sa akin pero yung ngiti niya may kahulugang masama. Agad ko namang tinanggal ang pagkakayakap niya sa braso ko.

"I'm not interested, She."

Aalis na sana ako pero yung sinabi niya ang nagpahinto sa akin.

"Kahit tungkol kay Crystal ito?"

Ngayon ko na lang ulit narinig ang pangalan niya matapos niyang umalis sa bansa at iwan ako. Bakit malaki pa rin ang epekto kahit pangalan lang niya?

--To be continue...

Twisted Red String (completed)Where stories live. Discover now