Pilit ko namang binibawi ang kamay ko sa pagkakahawak ni Darwin pero hindi niya talaga binibitawan."Dar, tama na oh."bulong ko habang nakatingin sa kanya."Ayoko ng gulo, pwede?"

Tinignan niya ako at lumambot ang expression niya."Wala na ba talagang chance? Kahit katiting lang?"para siyang batang inagawan ng laruan at gustong gusto niyang bawiin yun habang sinasabi yun.

"P*t@! Andito ang boyfriend! Wag niyo naman akong bastusin!"marahas niyang binawi ang kamay ko kay Darwin at nilagay sa likuran niya."GET LOST!"He shouted with full authority na kahit ako napaatras sa takot.

"Wag na wag mo akong uutusan! G@Go!"hindi rin nagpatalo si Darwin at tinulak pa si Antonio.

Susugod na sana si Antonio pero agad ko siyang hinawakan ng mahigpit sa damit niya kaya napahinto siya.

"Ano ba, Dar! Di ka ba titigil!"--Kat.

"Abah ang yabang mo ah!"--Flinn.

Ramdam ko ang tension at alam kong any minute may magsusuntukan na. Kung mangyayari yun talo si Darwin dahil mag-isa lang siya.

Mabuti na lang at pumagitna agad si Josh at hiniwalay sila Darwin at Antonio.

"Tol."humarap siya kay Dar."Gutom kami at pagod kaya wag mong initin ang mga ulo ng mga ungas na 'to."sabay tango sa mga kaibigan niya."At isa pa, kung ano man ang namamagitan sa inyo ni Luna, ayaw na niyang pag-usapan sa ngayon. Bumalik ka na---"

"Tol naman!"--Antonio.

"----lang kung kailan gusto ka na niya kausapin."mahinahong dagdag niya.

Nanahimik si Darwin at tumingin sa akin habang nag-iisip."Hindi ako susuko, Lu."seryosong sagot niya.

Pumiglas si Antonio sa pagkakahawak ko kaya mabilis kong hinawakan ang kamay niya ng sobrang higpit. Galit siyang tumingin sa akin pero umiling lang ako sa kanya."Ok na."bulong ko.

Hindi ko alam papaano pero kumalma na siya at bigla akong niyakap ng mahigpit."Sorry."bulong niya.

This time, kumabog ang dibdib ko hindi dahil sa takot at kaba, pero dahil nakayakap siya sa akin. Ng mahigpit.

***

Matapos ang incident na yun tumakas agad kami ni Antonio sa mga kasama namin dahil alam naming gigisahin kami ng tanong. Nagtext naman ako kay Katie.

To: Katie

Hindi kami.

Yun lang ang tinext ko at in-off ko na ang phone ko. Kilala ko si Katie, tatawagan niya ako kapag gusto niya ng malinaw na detalye. At dahil alam kong pupuntahan niya ako sa bahay hindi ako umuwi agad.

Pumunta na lang kami sa Mall para kumain sa McDo.

Yes. Kasama ko siya.

"Libre ko."--Ako.

"Good. Akin na pera mo."sabay lahad ng kamay niya."Ako na bibili. Maghanap ka na lang table." Tignan mo nga naman hindi man lang ako pinigilan?

Binigay ko na sa kanya ang pera at sinabi ang gusto ko. After that I scan the place for a vacant table. When I found one, I immediately sat and waited for him.

Pinower on ko na ang phone ko at agad na tumambad sa akin ang mga text nila Katie. Lahat nagtatanong kung kami daw at kung hindi kami ano daw yung nakita nila?

Twisted Red String (completed)Where stories live. Discover now