Chapter Four

1 0 0
                                    

Halos lahat ng mga babae ay parang mga nanay

naghihikahos sila para lang matulungan ang problema ng iba,

iniiwanan ang kanila na lumala at sirain sila…

Nakahiga ako sa kama sa condo unit ko naisip ko kung gaano ako magiging sobrang busy.

Ni review ko iyong mga gagawin at pa practisin ko. Native language practice, ethnic dance rehersal, recordings para sa album etc.

Tapos ang nakakatawa pa ni hindi pa nga decided kung sino ang magkakatuluyan ni Aaron naisip ko baka naman sila Giselle kasi diba magkakaroon nga sila ng dramang dalawa pagkatapos nito.

Pero naisip ko rin naman malakas ang love team namin sa two consecutive na drama namin.

Ang gulo punong puno ng mga bagay ang utak ko na sa totoo lang hindi ko naman dapat isipin kasi hindi ko naman problema iyon pero pino-problema kaso hindi eh pinoproblema ko iyon ang problema.

Makakatulog na sana ako ang ganda na ng posisyon ko kaso biglang nag ring iyong phone ko gusto kong magkunwari na hindi ko narinig ang phone ko kasi gusto ko ng matulog at once na nasira ang mood ko mahirap na ako ulit makatulog kaso ang kulit ng phone ko ring ng ring.

Inis kong hinablot ang I-phone ko tinignan ko muna iyong caller ID hindi kilalang number sinagot ko.

“Hello?” medyo alangan ang boses ko kasi nagaalala ako dahil baka kung sino iyon.

“Hello Heaven  ako ito si Stellar pag tinanong ka ni Charmaine kung nasaan ako pwede bang paki sabi na nandiyan ako?”

Medyo hindi ko alam ang sasabihin ko. Pag pumayag ako alam ko mauulit ito ng ilang beses pero ayoko namang iwanan itong kaibigan ko.

“Stellar nasaan ka?” hindi sumagot si Stellar natahimik siya.

“Nandito ako sa airport” Nanlaki ang mga mata ko agad kong hinablot ang jacket ko wala akong pakialam kahit naka sweatpants at naka T-shirt lang ako at walang suot na bra.

“Saan ka pupunta? Nababaliw ka na ba? Start na ng filming bukas! Malilintikan ka!” 

Naririnig ko na sumingot siya napagtanto kong umiiyak siya “Ewan ko”

Nahablot ko na ang susi ng kotse ko at nagmadaling umalis. “Nasaang airport ka?! Susunduin kita wag ka munang gumawa ng mga desisyon hangat hindi ka pa nakakapag plano”

Walang makakakilala samin kapag nakapang disguise kaming tatlo kami lang ang makakakilala sa isa’t isa at isa pa 2:00 na ng  madaling araw walang mga palahusgang fans, reporters at paparatzis.

Tahimik ang paligid nung naging artista ako tsaka ko lang na appreciate ang gabi.

Paikot ikot akong tumatakbo sa airport na parang baliw na babaeng naghahabol ng syota niyang aalis papuntang ibang bansa.

Para akong tanga pero wala akong pakialam kailangan kong makita si Stellar ng mabilis.

Diyos lang ang nakakaalam kung gaano ka rahas magdesisyon si Stellar miski mali kapag naisipan niya gagawin at gagawin pa din nung babaeng iyon.

May natanaw akong pink na maleta sa gilid. Niyakap ko si Stellar na nakita kong nakaupo sa gilid. Mukhang lalaki si Stellar pag walang make-up

Bago pa topakin si Stellar sumakay na kami kaagad sa kotse papauwi sa condo unit ko.

Tahimik lang kaming dalawa alam kong makakapag usap kaming dalawa kahit buong gabi pa sa bahay kung saan pwede siyang magngangawa.

“Ano bang problema? Saan ka ba pupunta ng ganitong oras?” Nakatalikod si Stellar pero alam kong umiiyak siya

Two is better than oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon