Prologue

28 0 0
                                    

Ako 'yung taong naghahangad ng pagmamahal sa taong pilit na pinaparamdam sa'kin na wala lang ako sakanya. 'Yung tipong pinagtatabuyan ka na nya palayo pero ayaw mo dahil mahal mo sya. Ganun nga talaga siguro ang love, na kahit ipagtabuyan ka nang taong mahal mo pilit mo parin ipagsisiksikan ang sarili mo. Handa kang magpaka TANGA  para sa taong mahal mo. Ang hirap sigurong magmahal lalo na't ONE SIDED LOVE lang. 'Yung tipong ikaw lang ang nagmamahal sa inyong dalawa. Ganun naman siguro talaga, magagawa mong magbulag-bulagan kahit alam mong masakit para sa'yo.

Pero wala nang mas sasakit pa sa mga taong na FRIENDZONED lang diba? 'Yung tipong sasabihin sa'yo na iba na nararamdaman nya para sa'yo tapos ito namang si PAASA sasabihin lang sa'yo na "sorry kung hindi ko mahigitan ang pagmamahal na binibigay mo para sa'kin. Hindi ka mahirap mahalin sadyang maling tao lang ang minahal mo." Hay! Ang mga babae nga naman! Handang magmukhang TANGA para sa taong mahal nila. Ano nga bang magagawa na'tin e nagmamahal lang naman sila diba? Nagmamahal lang tayo pero binabalewala lang ng mga lalaking/babaeng PAASA!

Siguro nga ganun ang LOVE... 'yung tipong paulit-ulit ka na ngang sinasaktan pero paulit-ulit mo pa rin sinusubukan. Paulit-ulit ka pa ring AASA. Hindi ka magsasawang sumubok kasi alam mong kapag sumuko ka, para mo na ring sinuko ang kagustuhan mong maging masaya. Pero kung 'yun naman ang dapat bakit hindi diba? Isusuko mo ang taong sinukuan ka para maging masaya sya sa iba at para magawa nya na ang  mga bagay na gusto nya kasama ang ibang taong nagpapasaya na sa kanya. Ipapaubaya mo sya kahit alam mong masakit sa loob mo.

Bakit ba kasi sa tuwing magmamahal tayo e doon pa sa mga taong playboy/playgirl? Doon pa sa taong may iba nang mahal? Kung sabagay, madami namang nagpapaka TANGA para sa taong mahal nila. Kayang magparaya para sa taong minamahal nila. Malay mo may darating na mas aalagaan ka at mas deserving para sa'yo. Mas Deserving para sa pagmamahal na binibigay mo pero hindi na- appreciate ng pinagbigyan mo noon.





A/N:  I dedicate this story to the one I truly loved.

Ms. Simple Meets Mr. SecretWhere stories live. Discover now