Ang storyang ito ay tungkol sa babaeng medyo may pagka nerd na naghahangad ng pagmamahal sa taong pinagtatabuyan naman sya palayo. Hanggang sa makilala nya ang lalaking nerd na sobra kung makatitig sakanya na patago. Pero ang hindi nya alam ay lihim itong sumusunod at pinagmamasdan sa tuwing malalim ang iniisip nya. Sinubukan ng lalaking nerd na mapalapit sa babae para mas makilala nya pa ito hanggang sa isang araw ay nahulog sila sa isa't isa pero hindi sila umaamin dahil sa ayaw nilang masira ang kanilang pagkakaibigan ng dahil sa kanilang nararamdaman para sa isa't isa. Isang araw ay nagka aminan sila ngunit hanggang kaibigan lamang ang maibibigay nila sa isa't isa. Nagtagal naman ang pagkakaibigan nila at nakilala ng babae ang lalaking hindi nya lubos isipin na mamahalin nya ito ng higit pa sa buhay nya.