24

3.1K 179 15
                                    

"Joke." She added.

"Hehe?" Wala eh, wala akong ibang ma react sa joke niya.

Sana sa susunod kung mag jo-joke siya ay yung havey para hindi na awkward.

Nagpatuloy ako sa pagliligpit nang gumalaw siya. Sana naman umalis na siya. Pero hindi, sa halip ay sumandal siya sa upuan at hinilot-hilot ang kanyang noo habang nakapikit.

May sakit ba siya?

Ano naman kung meron Alyana? Duh.

"Stop staring." I whispered.

"I said stop staring." I repeated.

Ayoko.

I wonder kung kumakain siya sa tamang oras.

I wonder if she's taking good care of her health.

I wonder how's Koko.

Eh ang relasyon niya kay K, di ba ako magwowonder?

Biglang nagbago ang timpla ng mukha ko. Kahit kailan talaga, napaka epal ng K na yun.

Siguro sa dalawang buwan ko dito makakapag move on na talaga ako. Sino ba naman hindi kung araw-araw ko silang makikitang magkasama di ba? Kahit masakit, tatanggapin.

Nabigla akong bumukas ang kanyang mga mata. Taranta kong binaling ang mga tingin ko sa kabilang direksyon. Shit ka Alyana, muntikan na yun.

"Kumusta?" Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita.

Nilunok ko ang natitirang laway sa bibig ko. I must always keep myself hydrated here in the office or else matutuyo ang lalamunan ko dahil sa kanya. Ugh Anne, bakit ba ganito epekto mo sa akin?

Eto galit at naiinis. Naiinis kasi alam kong galit ako pero nang nakita kita napagkaalaman kong walang nagbago. "O-okay lang. I-ikaw?"

"Okay lang din. It's been a long time since the last time we saw each other-- at alam kong hindi maganda ang huli nating pag-uusap." Oh well she reminded me that scene again. Ayan tuloy, bumangon ang galit ng puso ko. "But I hope we apply professionalism inside the office."

"S-sure miss, not a big deal." Sinungaling ka Alyana.

"Are you done with that? Para mahatid na kita sa table." Tumango ako, "Follow me."

Grabe siya, totoong nagpapaka professional tong si Anne. Habang sinusundan siya ay di ko maiwasang obserbahan ang kanyang katawan.

Her hair is inches longer than before. Di ata siya nagpa haircut.

Hindi siya tumaba, hindi rin siya pumayat. But heck, she's still the sexy mohmma like before! That curve, damn hot... I wonder how it feels like caressing both sides of her waist?

Huy Alyana pinag iisip mo!?

I forgot to mention her butt. Shit, that butt. Ah tangina, ano ba tong tinitingnan ko???

"Done checking on me?" Natatawa niyang tanong.

"H-ha?" Mula sa pwet ay dali-dali kong iniangat ang tingin ko. How did she know?

"Let me remind you we're walking in a hallway made of glasses."

Awtomatik akong lumingon sa magkabilang pader.

ClementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon