19

3.2K 190 26
                                    

"Sinabi na nga bang magkasama ang dalawa." Kumento ni Jane.

"Omg they're perfect together talaga." Bulalas ni Karen.

I can do this.

Dahan dahan kong ibinaba ang suot kong dress dahil sa ikli na halos hinuhubaran na ang kaluluwa ko. Pero teka, why not use this as pang akit? Luh, ano ba tong iniisip ko.

Hinga muna ng malalim.

At nakangiting lumingon.

There I saw two ladies walking towards us with a big smile on their faces. Forgot to mention they have uniforms smiles. Edi sila na.

The moment when Anne's eyes met mine I also witnessed how her smile slowly faded and replaced it with a confused and shocked expression. Yet I stick my gaze at her simply because I don't want to make it obvious that I'm hurting inside. Severely hurt.

"Upo kayo mga binibini." Tumayo si Joaquin at tinulak si Cardo na siya naman tumayo pagkatapos.

"Girl bat ka ba nawala?" Tanong ni Barbie kay K.

"Ahm sorry. Sinundo ko si Anne, ayaw payagan ni Koko eh." Ohh si Koko.

"Ang strict ng anak niyo ha." Anak niyo?

Nang nakita ni K ang pagmumukha namin ay siya naman nagsalita si ate Stella. "Kapatid ko pala si Stephanie, best friend niya si Alyana."

"Alyana?" Naniningkit ang mga mata ni K habang nakatingin sa akin, "Have we met before?"

Ngumiti ako ng pilit. Kahit naman bitter ako sa babaeng to di pa rin keri ng power ko ang magpapaka bitch o kontrabida. At alam kong all this time ay nakatingin lang sa amin si Anne sa tabi ng nag iisang babae sa buhay niya.

So sinong speechless?
One point Alyana.

"E-earlier. Nabunggo kita." Sagot ko.

"Ah oo. Really? Ikaw yun? Sorry talaga miss ha, nagmamadali kasi ako. Tumatawag kasi ang isang to." Tsaka niya siniko si Anne ng mahina. Dun ko lang din tinapunan ng tingin si Anne na ngayo'y natulala sa aking kagandahan. Syempre joke lang.

"And these are my workmates ladies, si K and Anne." Sige pa rin sa pagpapakilala si ate Stella. "So let's get started girls!"

Kanya-kanyang pwesto na kami sa upuan at nagsimula na ang pagme-Mary go round ng shot glass.

"Wag kayong mahiya. Enjoy lang kayo ha."

First round

Second round

"Wait, are they allowed to drink? Baka malasing sila Stella. B-baka pagalitan sila ng mga m-magulang nila." Utal utal na pagbigkas ni Anne.

Look who's concern.

"Etong mga to?" Sigaw ni ate Stella sabay turo sa amin ni Stephanie. "Mga lasinggera to ano!" At tumawa ng malakas. Ate Stella is drunk. Tsk. "Matibay ang atay ng mga batang to, trust me! Di ba sissies???"

"Oo, di tulad sayo." May pa roll ng mga mata si Stephanie.

"Then let it be! Whoa!" Sigaw ni Barbie na halatang nag eenjoy.

Right.

Magpakalasing tayo mehn, ibuhos lang ang beer sa lalamunan at pansamantalang kalimutan ang kirot ng puso.

"Cheers tayo mga sis!" Gemz lifted the shot glass.

"Gaga ka ba pano yan isang shot glass lang meron." Reklamo ni Jira.

"Edi uminom tayo ng beer!" Alok ni Cardo. Gumaya ang lahat sa ginawa niyang paglagay ng beer sa mga baso at iniangat eto.

"CHEERS!!!" Everybody shouted in chorus.

ClementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon