"It was a mutual decision. Si Aimee mismo ang humiling sa akin nito."

"Pero bakit?"

"I don't know. That's for her side to tell."

Naibalik ko na lang ang tingin ko sa pagkain na nakahain sa harapan ko saka pinag-isipan ang mga bagay-bagay.

Dapat ko bang sabihin kay Sitti ang nalaman ko? O, hayaan na lang sila tito at tita ang magsabi sa kanya ng buong katotohanan?

Pero ang hindi ko lang talaga lubos maisip ay 'yong katotohanan na pinsan ko siya at nagkagusto ako sa pinsan ko.

Sa pinsan ko pa!

Paano naging ganito kakomplikado ang lahat?

Bakit kailangan na si Sitti pa ang maging anak ni tito?

Ngayon ako sobrang nagpapasalamat na hindi ako ang pinili ni Sitti dahil kung nagkataon, parehas kaming mapapasok sa isang bawal at makasalanang relasyon.

Masaya ako na si Kaizer ang pinili mo, Sitti.

Pero anong sasabihin ko sa kanya kapag nagtanong siya tungkol sa nalaman ko?

Nakapangako pa naman ako sa kanya na tutulungan ko siya sa paghahanap ng sagot sa problema niya...

"Ano nang gagawin mo ngayon, Jonas?"


Sitti's POV

ILANG MINUTO na rin ang nakakalipas magmula nang una kong mabasa 'yong text sa akin ni Jonas.

[Pasensya ka na Sitti pero hindi namin na-trace 'yong pinagmulan ng picture na pinakita mo sa aki. Sorry kung wala man lang akong naitulong sa paghahanap mo.]

Magre-reply na sana ako ng pasasalamat sa ginawa niyang pabor sa akin nang bigla na naman akong makatanggap ng panibagong text mula sa kanya.

[Bakit hindi na lang ikaw ang magtanong sa mama mo sa sagot sa mga tanong mo? Anong malay mo may sagot siya at mas maliwanagan ka sa mga sasabihin niya?]

Pagtapos kong mabasa 'yon ay may sunod na naman siyang pinasa.

[At kung ano man ang malalaman mo mula sa mama mo, naniniwala ako na para rin naman sa ikakabuti mo 'yong dahilan kung bakit may mga bagay siyang hindi sinasabi sa'yo magpasahanggang ngayon. Maniwala ka lang sa mama mo, Sitti.]

Ilang beses kong inulit-ulit 'yong pagbabasa ng last text sa akin ni Jonas, pinag-iisipan ang sunod kong gagawin at kung ano nga ba ang mas dapat kong gawin.

Makalipas ng ilang minutong pag-iisip nang malalim, nagpasya ako na tumayo mula sa ibabaw ng kama ko at pinuntahan si mama sa may sala.

"Ma. P'wede ko ba kayong makausap?"

Napaangat ng tingin niya sa akin si mama saka huminto sa pagbabasa ng mga papel na nasa harapan nito.

"Ano 'yon, anak? May kailangan ka ba?"

Napatingin pa ako nang ilang sandali sa mukha ni mama bago ko hinila 'yong upuan na nasa tabi nito saka ko pinakita sa kanya 'yong picture na nakita ko.

Muli kong binalik ang tingin ko sa mukha ni mama, naghihintay ng reaksyon mula sa kanya. Pero wala akong nakuha do'n maliban sa simpleng nakatingin lang siya do'n sa picture na pinakita ko.

Ikaw lang ang makakahanap ng sagot sa lahat ng mga tanong mo, Sitti. Kaya kung hindi mo gagawin 'to ngayon, kailan pa? nasabi ko na lang sa sarili ko.

"Ano pong ibig sabihin nito?"

"Saan mo naman nakuha 'to?" balik na tanong ni mama.

"Dito ho sa may sala, sa likod no'ng picture frame na 'yon," sabi ko sabay turo sa frame na nasa gilid namin saka ko binalik ang tingin ko sa kanya. "Ma, may mga hindi po ba kayo sinasabi sa akin? Mayro'n po ba akong dapat malaman?"

Inakala ko na magde-deny si mama tungkol do'n sa picture na nakita ko.

Akala mo, magagalit siya dahil sa pangengealam ko sa mga bagay na hindi ko naman dapat pakialaman o 'di kaya mailang sa mga tanong na binabato ko sa kanya.

Pero hindi. At sa halip na galit, isang ngiti ang binigay sa akin ni mama.

"Mababawasan na rin sa wakas 'yong mga kasalanan ko sa'yo..."

"Kasalanan?"

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni mama saka niya ako hinarap.

"Oras na siguro na malaman mo ang totoo tungkol sa picture na 'yan at kung bakit ang tagal-tagal ko nang itinago 'yan d'yan."

Nalilito ako sa mga sinasabi ngayon sa akin ni mama. Pero kahit na gano'n ay pinili ko pa ring maging tahimik at hintayin ang buong kwento mula sa kanya.

"Sitti, alam mo naman siguro na wala ka ng papa hindi ba? Na bata ka pa lang ay nawala na siya?"

"Opo..." halos pabulong nang sagot ko. "A-ano pong kinalaman ni Papa dito?"

Sa bawat segundo na lumilipas, mas lalo lang lumalakas ang kabog sa dibdib ko.

At kahit na pakiramdam ko ay natutuyo na ang lalamunan ko ay nagawa ko pa ring ibuka ang bibig ko para 'yong pinakamalaking tanong na hindi ko gustong ikonsidera na posible o totoo.

"'Yong lalaki po ba na kasama natin dito sa picture... s-siya po ba ang papa ko?"

Halos huminto ang oras sa paligid ko nang makita ko ang marahang pagtango ni mama sa naging tanong ko.

"Oo. Ang papa mo nga 'yan..." sabi niya saka niya kinuha sa ibabaw ng mesa ang picture na 'yon at saka iyon tinitigan nang mabuti nang may ngiti sa labi. "At ito 'yong huling araw na nakasama natin siya. Na naging isang pamilya tayo. Dahil matapos ang araw na kinunan ang litrato na 'to, hinayaan kong umalis ang papa mo nang hindi tayo kasama."

Biglang bumaha ng tanong ang utak ko tungkol do'n sa huling sinabi sa akin ni mama.

Pero sa dinami-dami nilang nagkakagulo ngayon sa utak ko, may isang tanong na pinakanangingibabaw.

"Si... Sir Souchiro ba ang nasa litrato na 'to, ma?" tanong ko. "Siya po ba ang papa ko?"

"Oo, anak. Siya nga. Si Souchiro nga ang papa mo."

Bigla akong nanghina sa narinig kong sagot na 'yon. Hindi ko alam kung ano bang dapat na maging reaksyon ko sa sinabing iyon ni mama o kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

Pero bago pa man ako makapagtanong ulit kay mama ay naunahan na niya ako.

"Hayaan mong ikwento ko sa'yo ang lahat mula sa simula. Kung paano ko nakilala ang papa mo, kung paano kami naikasal at kung bakit ngayon ko lang sinabi sa'yo ang tungkol sa kanya."

May isang parte ng utak ko na ayaw pakinggan ang lahat ng 'to. Na may isang bahagi sa isip ko na nagsasabing huwag na lang akong makinig at hayaan na lang ang sarili ko na walang alam dahil mas magiging okay pa 'yon.

Pero nang hawakan na ni mama ang isang kamay ko at nagsimulang magkwento, kinuha ko ang lakas ng loob na mayroon pa ako at hinayaan si mama na sabihin sa akin ang lahat.

Ang lahat ng tungkol sa kanilang dalawa ni papa.


A/N: Short but enough to make you crave for the next chapter. Charot! The whole next chapter will be the back story of Tita Aimee and Sir Souichiro (read as SO-WI-CHI-RO) so abangan! Saka don't forget to share your thoughts on every update. Salamat!

P.S. See you sa mga sasama sa meet up ko this Aug. 20 at SM Megamall. For details, check my Facebook account na lang (MaevelAnne) for more details and if gusto n'yong sumama :)

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now