Napatingin ako sa daan ng makita ko ang orange na egg sa gilid ng kalsada. I remembered the time we were at Bulacan. Madaming kinain ganyan si Luther while I was very disgusted. How ironic that I want to eat that orange egg right now.
"Can you stop?" biglang salita ko habang titig na titig pa din ako sa orange na egg. God--- I don't eat street food.. Why the hell I so badly want that? What's wrong with me?
"Ang sarap pala.." hindi ko mapigilan ang pagsubo ng orange na egg na kwek- kwek pala ang tawag. Sinasabayan lang ako ni Eros maglakad habang nakatingin lang siya sa akin.
Humaplos sa pisngi ko ang malamig na hangin galing sa dagat. Inaya ko kasi si Eros na maglakad sa seaside kung saan madaming bars at reastaurants ang hilehilera.
"Bakit ka nakatingin?" napahinto ako ng mapagtanto ko na nakatingin lang si Eros sa akin.
"I find you weird," huminga siya ng malalim. "Ang dami mong nakain niyan.. It's bad when it's too much.."
Umirap ako.. " Yes daddy." umiling si Eros at ngumiti. I promise myself na babalik ako dito to buy again this super sarap na kwek-kwek.
"Aren't you tired walking?" salita ni Eros sabay upo sa isang seat sa labas isang bar. Umupo din ako sa tabi niya dahil sa pagod. "Have you been to Valkyrie? Some of my officemates told me that it's so nice there.. High end nga lang." biglang salita ko. Namimiss ko na ang night life, or maybe.. I want another diversion.
"Stop being a party girl.. Hindi maganda." sagot ni Eros. Umirap ako. Kelan pa siya naging ganyan? " I thought you're cool?" ngumiwi ako.
"I am." ngumuso si Eros sabay dampi ng kamay niya sa gilid ng labi ko kaya halos mapaatras ako.
"You, dumping me is one thing. But seeing you with him is another thing!"
Bigla akong napatayo ng kwelyuhan ni Luther si Eros. Halata sa kanya na naka- inom na siya pero nangingibabaw pa din ang galit sa mga mata niya.
"Luther.." halos ibulong ko ito sa sobrang gulat. Luther looked mess.
Nag-igting ang panga ni Luther. "What? You're dumping me because of him? Ano Sasha?! I begged you, Pero ang tigas mo na itapon ako! And then nagde-date kayo dito?" singhal niya na nagpalaglag sa panga ko.
Tumawa ng mahina si Eros kaya napatingin ako sa kanya. " Never thought you' ll be this low Luther. Where's the proud and arrogant you?"
OMG! Don't push his buttons.
" Motherfucker!" sigaw ni Luther tsaka nagpakawala ng suntok.
Napahawak ako sa balakang ko na biglang kumirot. Nevertheless lumapit ako kay Eros na may dugo sa gilid ng mga labi. " What the hell! Ayos ka lang ba?" ngumisi si Eros at nagkibit balikat kaya nakaramdam ako ng iritasyon.
"Paasa ka,Sasha!" naiiling na salita ni Luther na nagpatulo ng luha ko. Naiiyak ako dahil hindi niya ako maintindihan! Pinipilit niya yung bagay na kahit kailan hindi naman pwede. Paano ako naging paasa? I'm just facing the reality.. Ginagawa ko lang ang dapat.
"I'll wait for you.. Go!" salita ni Eros ng mapansin siguro ang pagsunod ng paningin ko kay Luther.
I almost catch my breath ng makarating ako sa malayong parking kung saan pumunta si Luther.
" Luther!" I shouted from the top of my lungs dahil sa bilis niya maglakad.
Iritable niya akong hinarap. Tumigil ako sa pag- iyak dahil ayokong makita niya na apektado ako. Nag desisyon ako so hindi niya pwede makita na mas apektado ako.
"hindi ako paasa.." salita ko sabay lakad palapit sa kanya. He's intently looking at me. I want to run to him pero hindi ko ginawa. I want to do what is right.
Ngumisi siya.. Hindi ko alam kung sarkastiko o galit ang ngisi na ibinigay niya. " Kung hindi ka paasa, ano ka?" galit na salita niya. Gusto kong umiyak dahil sa nakikita kong sakit at galit sa kanya.
Hindi ako makapagsalita dahil naghuhurumentado ako. At ayokong makapag salita na ikakabali ng desisyon ko.
" You know what? I should be mad at you!! Mad at your mom.. Mad at your dad.. Mad--- putangina sa mundo!" Sigaw niya. I was shocked. Hindi vocal si Luther sa nararamdaman niya kaya nagulat ako.
Namula ang mga mata niya. It was like he's begging or angry.. I really don't know.. Kasi malapit na malapit ng pumatak ang luha ko.
"Your dad? Or our dad," nag-igting ang panga niya. " I was left by mom because of him- alam mo ba yung feeling na nawala yung tao na nagpahalaga seyo? Alam mo ba? Your dad ruined everything! My mom killed herself for the love that she can't have coz' 'our' dad chose to break her heart." pumiyok ulit siya. Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Gusto kong tumakbo at yakapin siya pero hindi ko magawa. I'm stunned.
"Now you know why I don't want to believe in love? Kung bakit ayokong maramdaman? Kung bakit takot akong maramdaman? Kasi hindi lang yung feelings.. It's a commitment Sasha.." pumikit ng mariin si Luther at tumingala.
" Nung nakilala kita? Sinira mo lahat ng pananaw at prinsipyo ko. Sinira mo yung pader na itinayo ko. Binigay ko seyo yung bagay na takot na takot akong ibigay kahit kanino." huminga siya ng malalim at tinitigan ako sa mata.
Patuloy lang pag agos ng luha ko. Pagod na pagod na ako at manhid sa pag-iyak. "So this is how you're going to handle my heart, huh?"
" Luther.. It's not what you think! Magkapatid tayo! What do you want me to do? Ano gusto mong mangyari? We can't fight the fact that we're siblings. Naiisip mo ba ang mangyayari if we continue this?" hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para magsalita.
Malungkot na ngumiti si Luther. "Naiisip mo ba ang mangyayari sa akin? You left me, ikaw lang ang meron ako, Sasha.."
Umiling ako ng sunod sunod kasabay ng sunod sunod na agos ng luha ko. You'll have everything.. You're engaged to Celine.. We can't be.. Mapapagod lang tayo pero hindi tayo mananalo.
Lumapit sa akin si Luther at yumakap ng mahigpit. Lalong bumuhos ang luha ko sa init ng katawan niya na bumalot sa akin. I missed him.. His hug, his laugh, his everything.. Pero kailangan ko panindigan ang desisyon ko. We can't be.. Magkapatid tayo..
Kinalas ko ang yakap niya kahit ayoko naman talaga. " I'm sorry.." sagot ko.
Huminga ng malalim si Luther at mabilis na tumalikod kaya kinabahan ako.. No!! Natatakot ako.. Paano kung magpakamatay din siya paano kung--
"L-Luther.." habol ko sa kanya. Tumitig siya sa akin sabay haplos ng luha sa mga mata ko. "If you're scared that I might kill myself, don't be. I won't do it for you.." parang punyal iyon na sumaksak sa akin. Ang sakit.
" Now I know better, Sasha.." then he walked away..
-------------------------
A/N
Hi there! May reader paba ito? Hehe.. Anyway, Sorry kung matagal akong nakapg ud. Sa mga hindi nakaka-alam, na-operahan po ako exactly one month today. Actually nagpapa-recover pa ako pero hindi ko matiis ang wattpad. Sa mga message at prayers na na-received ko, salamat. Tatapusin ko na ito.. Godbless and thank you for patiently waiting.
YOU ARE READING
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
33. I'm sorry
Start from the beginning
