Tipid akong ngumiti. " I'm okay.." tsaka ako dumiretso pumasok sa loob ng office ko. Damn. It was a lie. I was never okay.. I will never be.. pakiramdam ko ay para akong bomba na sasabog anytime.

Pumikit ako ng mariin at hinilot ang sentido. Halos mapatalon pa ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Nagtaka pa ako dahil unregistered ang number. Maybe.. it's just a client or.. whatever!

"Sasha.." halos manigas ako ng marinig ko ang nag-mamakaawang boses ni Luther. Nangilid agad ang luha sa mga mata ko. "Sasha.. I'm free now.. we can go... please."

Lalong bumigat ang paghinga ko. Bigla kong pinatay ang tawag pati na din ang phone ko. Fuck! I can't stand knowing he's like that! He's free now.. he should start his life.

Yes.. he's free.. he's free because I let him go.. bumitaw ako. We can never be together anyway.

Tulala akong tinitigan ang tambak na files sa harap ko na kailangan kong aralin. Jesus, Sasha! Kumilos ka!

Ngumiwi ako bigla ng makaramdam ako mg pagkahilo at pagbaligtad ng sikmura ko. No...No.. this can't be.. am I pregnant? I don't know.. the past months we do it, Luther never used any protection. What if--?? Uggh. Umiling ako.

"Ma'am?" Bungad ni Sam after niyang kumatok.

"Bakit?" Nakapikit pa din ako dahil sa hilo.

"May naghahanap po sa inyo.." salita ni Sam kaya napa-angat ang tingin ko sa kanya. No-- don't tell me it's Luther?

"Eros daw po.." tila ba nabasa ni Sam ang nasa isip ko kaya sumagot na siya kahit hindi pa ako nagtatanong.

Eros? Ano naman ang gagawin ni Eros dito?

"let him in." huminga ako ng malalim at inayos ang files na inaaral ko. Napa- angat ako ng tingin ng bumukas ang pinto at iniluwa ang makisig na si Eros.

Naalala ko pa yung last na nakasama ko si Eros. Kung paano sila magtinginan at mag- usap ni mommy.

"Sasha," si Eros ang unang nagsalita. Wala akong mabasa na emotion sa kanya. Tila ba binabasa niya kung ano ang nararamdaman ko.

Huminga ako ng malalim at tipid na ngumiti. "How did you know that I'm here?" takang tanong ko. Hindi naman kami nakakapag-catch up pa, so I'm wondering kung bakit alam niyang nandito ako.

"I just know." he shrugged. Nagkibit balikat nalang din ako. Umupo si Eros sa sopa sa gilid na hindi tinatanggal ang mga mata sa akin.

"kumain kana?" natigilan kaming dalawa at sabay na umiling. Napangiti ako ng bahagya habang si Eros ay kumunot ang noo. " Gabi na, bakit hindi kapa kumakain?" kumunot ang noo ko ng nadama ko ang pag-aalala sa boses niya.

Napatingin ako sa wrist watch ko at halos manlaki ang mga mata ko ng makita na mag aalas otso na pala. Gabi na agad? Pakiramdam ko hindi naman gumagalaw ang oras ko pero matatapos na naman ang araw.

Tumayo si Eros kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ako sigurado kung bakit mukha siyang galit o iritado?

Napasinghap ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko. "What--"

"office hour is done.. Kumain tayo.." malamig na salita niya. Wala na akong nagawa kundi tumayo at sumunod sa kanya. Ni hindi ko na nga naayos yung mga files na inaayos ko kanina.

"Just lock the door.. May bukas pa Atasha.."seryoso ulit na salita niya. Huminga ako ng malalim at isinara ang pinto ng office ko. Halos wala ng tao sa labas maliban kay Sam at sa isang kasamahan niya.

" Uwi na ako , Sam." salita ko kay Sam na nahihiyang tumango dahil nahuli ko na nakatingin sa akin.

"What do you want to eat?" salita ni Eros habang nag da-drive. Nakatitig lang ako sa kanya. Eros is a very nice guy. Sa hindi ko alam na dahilan ay magaan ang loob ko sa kanya.

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now