Special Chapter 9 (The First Conversation)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sige mauna na ako? Magpakabait ka ha? Baka batukan mo 'yang si Lawrence, malaki utang na loob natin sa tatay nyan." 

"Oo na. Ingat ka kuya ha. Mamimiss kita." Malungkot na sabi nito. Ngumiti ito ulit at ginulo ang ang buhok ni Noneen. Nakita niyang tumalikod ito at tuluyan nang lumabas. Kinuha naman niya ang bag niya at tsaka huminga ng malalim. This is her first night with her official/unofficial husband. Ay jusko, help me Lord, help me Papa. Isip ni Noneen.

Binuksan niya ang pinto at tuluyang pumasok ng bahay. Gabi na nga pala, ineexpect niya sana na baka nasa kwarto na si Lawrence. At yung maid na lang nila ang mag-aassist sa kanya. Sinabi kasi nito na magkakaroon sila ng maid para di sila mahirapan. Pero laking gulat niya ng makita niya si Lawrence sa sofa, nakadekwatro habang nakatingin sa kanya. Walang emosyon ang mukha nito, kaya hindi niya masabi kung naiinis ba ito o ano. Pero isa lang ang sigurado siya, kabadong-kabado siya ngayon. Ang lakas ng pintig ng puso niya. 

Nagkatinginan sila ng ilang minuto. Walang gumagalaw sa kanilang dalawa. Ang awkward. Para bang unti-unti siyang nilalamon ng lupa sa kinatatayuan niya.

Unang gabi na unang gabi no. Ganito ang dadatnan niya.

"Hindi mo ba isasara yung pinto? Malamok." Walang emosyon na sabi nito. Napalunok naman si Noneen at agad sinara ang pinto at bumalik si pwesto niya. Nagtitigan nanaman sila ulit. Makapbasag-pinggan nga ang katahimikan ngayon eh. Konti na lang aatakihin na si Noneen sa kinatatayuan niya.

Nakita naman niyang tinuro ni Lawrence ang isa pang sofa gamit ang mukha nito. Napakunot ang noo ni Noneen. Anong gusto niyang sabihin? Sa sofa ako matutulog??? Isip nito. Napaturo naman siya sa sarili niya. Shet baka kasi hindi siya yung sinesenyasan mapagkamalan pa siyang feeler.

"May iba pa bang tao dito para ituro mo pa yung sarili mo?" Halatang medyo inis si Lawrence sa tono ng pananalita nito. Pahiyang-pahiya tuloy si Noneen sa pwesto niya. Napakamot lang ito sa ulo at tsaka hinila ang bag niya ang umupo sa sofa. 

Tiningnan lang siya ni Lawrence habang siya naman nakayuko lang. Hinihiling kasi ngayon ni Noneen na lamunin muna siya ng sofa. 

NAKAKACONSCIOUS NAMAN KASI NG BONGGA YUNG TINGIN NI LAWRENCE.

"Okay mukhang wala kang balak magsalita. I'll go first. I'm Lawrence Andrew Alcantara. 19, De La Salle University, BS Mathematics with specialization in Business Applications, Magna Cum Laude, September 27, 5"11 1/2, and I hate annoying and talkative people." Sabi nito at tsaka tumingin kay Noneen. Wow Magna Cum Laude tas BS Math pa? Wow ha, wow as in. Isip ni Noneen. Napakamot naman siya at tsaka nagsalita.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon