CHAPTER 6 : DINNER WITH OLD FRIENDS

Start from the beginning
                                    

Agad namang umalis si Anne nang maihatid niya ako sa hotel. Hindi na ako nagpahatid sa loob kahit mukha na akong tuod dito. Hirap akong maglakad at pinagtitinginan ako. Iniisnab ko lamang sila.

Hingang malalim. "Okay. Kaya mo 'to. Kalma,Rei. Kalma. . ." pinapaypay ko ang isang kamay ko sa mukha ko.

Sinubukan kong ihakbang ang paa ko.

Shems!

Daig ko pa ang pilay sa bagal kong maglakad!

"Miss. . ." lumingon ako sa kanan at nakita kong nakatitig sa akin ang isang lalaki. Pamilyar ang mukha nito.

"Y-yes?" Halata na ba ang katangahan ko at nilapitan na ako ng gwapong nilalang para punahin? Naman,oh!

"Hi. I think I know you." nakangiting sabi niya. I swear I could see admiration in his eyes.

Napakunot ang noo ko. "Y-you know me?" Sumisikat pala ako ng hindi ko nalalaman!

"Coby! We're late! We need to hurry!" may babaeng umangkla sa braso ng lalaking kausap ko. Agad na nalipat sa akin ang tingin niya ng makitang may kausap ito. Kumunot rin ang noo niya. "Who is she?"

Naglipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ano nga ulit ang tinawag ng babae sa lalaking kaharap ko? Coby,di ba? Coby. . .

Napasinghap ako nang marealize ko kung sino sila. Ngunit bago ko pa matawag ang mga pangalan nila, agad na lumapit sa akin ang babae.

"Oh my! I know you! Gosh,Rhea! Is that you?"

"A-artemis. H-hi." napahawak ako sa buhok ko. Anak naman ng tinapa! Ayos pa ba ang hair ko? What about my make-up? Baka nalusaw na! Naman! Hindi ako ready sa paglitaw nila!

"Oh my geee!" niyakap ako ni Artemis. Muntik pa akong matumba! Halos hindi ako makahinga sa yakap niya. Napatingin ako kay Coby na nakatitig pa rin sa akin.

"Hey,sis. Ako naman." sabi ni Coby. Napanga-nga ako sa sinabi niya. Pinakawalan ako ni Artemis at tuwang-tuwa akong kinumusta.

Bago pa ako makasagot kay Artemis, lumapit si Coby at siya naman ang yumakap sa akin.

I blushed. Oxygen please!

"Wow. You looked pretty then, you are prettier now." bulong niya. Niluwagan niya ang pagkakayakap sa akin at tinitigan niya akong muli. "It's nice to see you again ,Rhea." he added.

Natutunaw ako.

Hindi ako magtataka kung dumudugo na ang ilong ko. Hindi ako ready sa ganitong scene! Ang inaasahan ko kanina ay malulunod ako sa kahihiyan kung sakaling gagapang ako papasok ng hotel.

I can't believe na mabilis na lilitaw sila Coby at Artemis. At mas lalong hindi ko inaasahan ang mga papuri ni Coby!

He said I'm pretty. Compliment 'yon,di ba? Shet. Ba't ako kinikilig?

Walang hiya! Kailan pa ako natutong kiligin?!

Argh! Rhea, hindi na ikaw 'to!

Marahang tumawa si Artemis. "Sweet."

Agad akong humiwalay kay Coby. Pulang-pula na ata ang buong mukha ko.

"We need to hurry,guys.I'm sure naghihintay na sila daddy sa atin." sabi pa ni Artemis. Agad naman akong tumango.Hindi ako makatingin ng diretso.

"T-tara na." nauna na akong maglakad. Pero dahil may halong malas ang araw ko, muntik ko nang mahalikan ang sahig. Nangyari na ang inaasahan kong scene. Natapilok ako!

Si Coby ang humagip sa braso ko upang hindi ako tuluyang bumagsak sa tiles. He put his one arm around my waist. Nabigla man ay wala na rin akong nagawa. "Careful."

10 Steps To Be A LadyWhere stories live. Discover now