"Faster! Faster! So we can play na."

Nagsimula na naman sa pagka-hyper ang Monalisa namin. Kakaupo ko pa nga at gusto na niya umalis. Pambihira.

"We've already reserve the place. No need to hurry princess," sabi ko sa kanya.

Kaya kami nahiwalay sa kanila kasi kami ang nagpareserve ng place.

Umupo ako sa tabi ni Dannie.

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming pumunta sa nireserve namin.

Walang ibang tao maliban sa staff ng lugar. Inuutos ko kasi na wag silang umaccept ng ibang tao ngayon. Ayaw ko kasi na may ibang tao.

"Okay let's play!"

Nagsisigaw na sa saya si Mona. Saka nagsimula na silang sumakay sa mga sasakyan.

'BEEP! BEEP!'

"Ba't ka humaharang diyan. Umalis ka nga. Di ako makaalis."

Patuloy akong binabangga ni Tristan at tuwang-tuwa pa ang gago. Aba sinusubukan ako ng unggoy na 'to.

"Handa na kayo?"

Sumulpot sa tabi ko si Mike. Nasa tabi naman ni Tristan si Zooey.

"Kanina pa."

Sinuot ko na ang helmet at pinaandar na ang sasakyan. Pinaandar na rin nila ang mga sasakyan nila. Ang hudyat na lang hinihintay namin.

"Ready set...Go!"

Pinatakbo na namin ang mga sasakyan. Halos magkakadikit lang kaming apat.

Nang paliko na ang daan ay nag-accelerate ako para maungusan sila. Ako na ang nasa unahan. Nasa likod ko naman si Mike.

Maraming na ngayong palikong daan. Napapansin ko na nagkakadikit na kami ni Mike.

Malapit na ang finish line. Binilisan ko ang takbo. At sa huli ako ang unang nakatapos. Wala talaga silang binatbat sakin.

"Ano na? Mada mada dane," sigaw ko nang makaalis sa sasakyan.

Dumating na rin sila sa wakas.

"Papalitan ko itong sa akin."

Ito na naman ang gunggung na Tristan. Di niya talaga matanggap na ang hina niya kaya gumagawa na lang ng palusot.

"Saan na pala sina Mona?" biglang tanong samin ni Zooey.

"Andito lang sila kanina."

Nilingon namin ang buong paligid pero wala sila. Lumapit ako sa isang staff sa labas at nagtanong.

"Nakita mo ang babae kasama ang bata kanina rito?"

Umiling lang ito. Nagtanong din ako sa ibang staff sa loob pero walang nakakita.

"May cctv rito. Patingnan natin," suggest ni Tristan.

Agad naming pinuntahan ang staff para patingnan ang cctv. Nakita namin na kinuha sila ng dalawang lalaking nakamask. Walang ibang tao sa labas kaya walang nakakita.

"Sino nagpapasok sa kanila rito? Di ba sinabihan ko kayong wag magpapasok ng ibang tao!"

Hinigit ko ang damit ng staff. Bakit ang pabaya nila?

"Tama na iyan Sac."

Inawat ako ni Zooey.

Bigla namang nagring ang phone ko. May tumatawag na unknown number.

"Hello."

"Long time no talk Isaac. I just want to talk with you. Maybe you can meet me."

"Who the hell is this?"

"Stay away! You're ugly."

Narinig ko ang boses ni Mona.

"Mona! Where are..."

"If you want to see your girlfriend and this cute girl, you better see me alone."

"Where are you? Hey, answer me!"

Pinatay na ng gago ang tawag. Tumunog ulit ang cellphone ko. Nagtext na ang mga kidnapper. Andoon ang address.

Sinabihan ko naman sila Mike. Ako lang ang pupunta doon kasi iyon ang gusto nila. Mukhang ako naman talaga pakay nila.

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora