"Kala ko kung anong chick sinasabi ng Monalisa na 'to. Chicken na 'to e," nakangising sabi ni Tristan.

"Tatawagan ko na sina Isaac, para rito na tayo magkita."

Tinawagan nga ako ni Zooey at tumunog ang cellphone ko sa bulsa.

"I want to hug this."

Kumapit bigla si Mona sakin kaya nahahatak ang custume ko pababa hanggang sa nahubad ang ulo ng mascot na suot ko.

"Kuya Prince?" Kumunot ang noo ni Mona ng makita ako.

Kuya Prince laging tawag niya sa akin kasi noong bata pa siya ay lagi akong gumaganap na prince sa bahay-bahayan niya.

At talagang gulat silang lahat nang makita ako.

"We're done," narinig kong sabi ni Dannie.

Inalis na niya ang suot na custume.

Ako na lang pala ang nakasuot nito. Di manlang niya ako sinabihan.

"Ang cute naman ng Isaac Dryle Alfonzo Guevarra natin."

Aba ang magaling na Tristan plano pa atang pagkakitaan ang mukha ko. Kinukunan pa ako ng litrato.

"Why you're here?" usisa ni Mike.

"Something just came up. Let's just move on. Gutom na ako," sabi ko sa kanila saka pinauna na sila sa loob kasi maghuhubad pa ako ng custume.

Papasok na ako sa loob nang marinig ko ang usapan ng dalawang babae malapit sa pintuan.

"Look at that girl. She's the crazy engineering student in Spenteire University. Everyone's afraid of her."

"Oh, really? Why is she close with that handsome guys there?"

"They're the Guevarra's heirs. I don't know. Maybe they just wanted to play."

"They will definite get bored with her then eventually leave her at the end."

"Pshh."

Napansin ata ako ng isa sa kanila kaya pinatid niya ang kasama. Napatingin silang dalawa sa akin.

They gave me fake smiles.

"My gosh. You are Isaac right?"

Napatakip pa ang isa sa bibig niya.

"Yup. Please to meet you."

I smiled at them. Everyone inside started to realize my presence.

"Can I have a picture with you?"

She immediately went close to me.

"It would be great."

I whispered to her.

"But not in front of my girlfriend. She's so scary that everyone is afraid of her. It might not be good for you."

Ngayon sinadya ko talagang iparinig sa lahat iyon.

Pagkatapos ay nagtungo na ako sa table nila. Alam kong nakatingin narin silang lahat sa akin.

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon