I Thought I'd Love You Never - EPILOGUE

Start from the beginning
                                    

"This gown..." aniyang hindi makapaniwala. It is very expensive!

Napangiti si Loisa. "It is meant for you." Iginiya siya nito para magpalit ng roba. Ilang sandali pa'y sinimulan na ang pagmake-up sa kanya. The room was packed with make up artists, stylist and photographer.

Her heart is filled with emotions. She is just so happy. She can't wait to see Paco and hug him tight. All the pain she felt within those three years were nothing compared to the happiness she feels right now. Pakiramdam niya'y sasabog ang dibdib niya sa sobrang saya.

Ilang sandali pa'y natapos ang make-up niya. Nagulat siya nang biglang pumasok si Yvonne, ang bestfriend niya, naka-gown na rin ito.

"Wow! Gurl! You are super beautiful!"

"My God, Yvonne, how did you manage to get here?" Napatingin siya sa umbok ng tiyan nito.

"Don't you worry, tapos na ako sa maselan period. And today is your wedding! Palalampasin ko ba namang maging maid of honor?"

Niyakap niya ito. "Thank you, gurl!"

"Ooops, no dramas yet. Kasi sasamain tayo ng make up artists mo," anito na ikinatawa ng mag tao roon.

"Bongga ng wedding mo, gurl! At super guwapo naman ni Paco. Kaya ka pala naloka for 3 years."

Palihim niyang kinurot ang kaibigan. Tawa ito ng tawa. Lalo pa siyang nagulat nang paglabas niya, naghihintay ang mga bridesmaid niya. Mga kabarkada niya sa college at high school.

May flower girls din siya. Napangiti siya nang makita si Buboy na siyang ring bearer nila.

I love you, Paco... Bulong niya. Gusto na niyang takbuhin ang simbahan, mayakap lang ito. She suddenly missed him so much. She is so happy that she wanted him to be there to share that happiness. She is done with those days she gets so happy for something and gets upset because she wanted to tell Paco but she just can't. And it made her realize one painful truth, that she can't be fully happy without him in her life.

Ilang sandali pa'y lulan na sila ng kotse papunta sa simbahan. Puno na ang maliit na simbahan pagdating niya. Tila hinintay talaga siya ng mga tauhan ng hacienda na abot tenga ang ngiti. She missed them too. Gusto niyang maiyak sa init ng pagbati ng mga ito. Ngunit pinigilan niya dahil ayaw niyang masira ang make up niya.

Pagbaba niya ng sasakyan isang tao lang ang hinanap ng mga mata niya. Maliit lang ang simbahan kaya kita niya ito mula sa labas. Napangiti siya nang tila alumpihit ito at hindi mapakali. Gusto niya itong sugurin ng yakap at pupugin ng halik.

Nagpahid ito ng pawis sa noo at natigilan nang makita siya. Relief showed his handsome face. Nang unti-unting sumilay ang ngiti sa mukha nito'y napahawak siya sa dibdib dahil pakiramdam niya'y nalaglag iyon.

I love you, Paco... bulong niya.

Sumikdo ang dibdib niya nang mabasa niya ang labi nito.

I love you, Senyorita... And he smiled with that heartbreaking smile. Iyong ngiti na tila naiiyak sa sobrang saya. Ayaw pa niyang umiyak ngunit nagsimulang humapdi ang gilid ng mata niya at unti-unting lumambong ang paningin.

Nagsimula ang wedding march. And their song played. The sound of the violin was so beautiful it makes her want to cry. Her head was mentally singing the song.

"You're just too good to be true
Can't take my eyes off you
You'd be like heaven to touch

Oh I wanna hold you so much
At long last love has arrived
And I thank God I'm alive
You're just too good to be true
Can't take my eyes off you..."

I Thought I'd Love You Never Where stories live. Discover now