I Thought I'd Love You Never - EPILOGUE

1.1K 49 4
                                    

"Just be there." Iyon lang ang sinabi ni Paco. She never thought marriage can be this easy. Tiyak na luluwa ang mata ng mga kaibigan niya kapag nalaman ng mga ito na wala siyang ginawa sa kasal niya kundi ang pumunta sa mismong araw ng kasal niya. May project pa siyang tinapos kaya't nauna na si Paco na umuwi para ihanda ang kasal nila.

May kumurot sa dibdib niya nang matanaw ang hacienda. After yearning for so long and suppressing herself, she is finally back... Finally home...

Napatingin siya kay Tita Fe nang ginagap nito ang kamay niya at marahang pinisil. Nang lingunin niya ang Daddy niya ay nakatanaw rin ito sa malayo. Napansin niyang sementado na ang daan patungo sa hacienda. Hindi na masyadong maalikabok. Hindi niya maiwasang mapangiti nang maalala kung gaano niya kinasusuklaman ang lugar na ito noong unang pagdating niya. It's amazing how feelings change. Dahil mahal na mahal niya ang hacienda.

Sumikdo ang dibdib niya nang makita ang mansiyon. Napaawang ang bibig niya. Punong-puno ng bulaklak ang paligid ng mansiyon. Sa malawak na bakuran naka-set ang dining reception. She thought it is going to be a simple wedding. Ngunit tila inimbitahan ni Paco ang lahat ng taga-hacienda sa laki ng nakahandang reception. Tantiya niya'y para sa humigit kumulang isandaang tao iyon. Mahahalikan niya si Paco sa tuwa. It was a rustic theme. The draperies were of old rose. It made the place so relaxing, elegant and cozy.

The mansion looked almost the same as it was when she left, only more beautiful. Halatang pinaayos ni Paco ang kabuuan niyon dahil bago ang bubong at wala na ang mga dating sira sa dingding. Ngunit hindi nito binago ang structure ng mansiyon. Which she preferred because it stored memories of people she loves.

Pagbaba niya ng sasakyan ay kaagad siyang sinalubong ng babaing nagpakilalang si Loisa, ang wedding coordinator niya. Hindi niya maiwasang mapangiti ng maluwang. Pinaghandaan talaga ni Paco ang lahat. Iginiya siya ni Loisa sa silid niya dati. Nagpalingon-lingon siya, umaasang makita ang binata.

"Where's Paco?" tanong niya.

"Nasa simbahan na po, Ma'am."

Umangat ang kilay niya saka napatingin sa wrist watch. Alas otso pa lang. Alas diyes ang nakalagay sa wedding invitation. "Hindi ba masyado pang maaga para maghintay siya roon?"

Narinig niyang tumawa ang Daddy niya. Nagtatakang napatingin siya rito.

"He's just excited. Hayaan mo na."

"Ay naku, sinabi mo pa, Sir. Parang trumpo iyon kanina. I assured him everything is taken cared of, but he really wants everything to be perfect. Nang makita niyang okay ba rito'y kaagad nang nagpunta ng simbahan."

May humaplos sa puso niya. Babawi siya pagkatapos ng kasal. She will love him with every beat of her heart in every day of her life. She will make him happy for the rest of their lives together.

Namasa ang gilid ng mata niya. Who would've thought they will still be together? She had long given up on him and the possibility of them together but she can't deny the fact that she had been longing for him with her every breath. Dahil wala naman siyang ibang minahal ng ganito katindi. Si Paco lang.

Napasinghap siya pagpasok sa silid nang makitang naghihintay sa kanya ang wedding gown niya. Hindi makapaniwalang napatingin siya kay Loisa. How did he knew she wanted this wedding dress?

"When did he plan this wedding?" takang tanong niya.

"About two weeks ago, Ma'am. He was very precise on the kind of wedding he wanted for you. So I did my research and luckily, one of my clients is your bestfriend."

I Thought I'd Love You Never Where stories live. Discover now