Prologue

239K 2.8K 389
                                    

www.girlx.blogit.com

March 4, 2014

7 Reasons Why You Should NEVER Date Alexander Tady

Kung nag-aaral ka sa West Ridge University, imposibleng hindi mo siya kilala. Sabi nila, he’s THE DREAM GUY. Gwapo, mayaman, captain ng soccer team, favorite ng mga professors, kaibigan ng lahat, dahil sabi ng iba “charming” daw at may “swag”. But in reality, the perfect description: PLAYER. Dahil hindi lang soccer ball ang sinisipa’t pinapaikot niya kundi pati na din ang puso ng mga kawawang babaeng nahuhumaling sakanya. Kung ayaw mong mabiktima ng babaerong ‘to, para sayo ‘tong blog ko. Ikalat niyo sa Facebook, Instagram, Twitter, Tumblr, LinkedIn, Sulit.com.ph, o buhayin mo pa ang MySpace, Multiply, at Friendster, idamay mo pa si Fashion Pulis bilang feeling celebrity naman ‘tong mokong na ‘to, basta kahit saan pa sa cyberspace wala akong pakialam. O better yet, i-print mo ‘to, i-post sa lahat ng pader na makita mo sa school, sa cafeteria, sa CR ng mga babae (pati na rin ng mga lalaki since kahit naman ata sinong nakapalda eh hindi makakaligtas sa kamandag niya), isali na din ang mga dorm at condo malapit sa university.

Here are the reasons why you should NEVER date this self-absorbed playboy:

1. Mabaho ang paa. (Pag niyaya ka niya magdate, sadyain mong apakan likod ng sapatos niya pag naglalakad para matanggal. Ang amoy ‘te, bumoboard and lodging... sa ilong. May hagod na nga hanggang ulo, guguhit pa hanggang lalamunan.)

2. Bopols. (Kung brainy ka, magpapatutor siya kunwari sa Math, Algebra to be specific, at pag nagtanong ka na ng “what is X” sa equation, hihiritan ka niya ng punchline na… “X is someone from the past na hindi ko na babalikan dahil nahanap ko na ang present [sabay lapit ng mukha niya sa mukha mo na halos parang hahalikan ka na]… at future ko.” As what he calls it… “The Zander Style”.

3. Minsan jjejjemon magtext. (Maniwala ka, hindi mo ‘to ikakaturn off dahil wapakels na kung papano magtext, kung ganun naman kagwapo ang katext mo, aarte ka pa ba? Gets moe powz?!)

4. Takot sa ipis! (Makakarinig ka ng tiling babae mula sa machong lalaki…)

5. Takot sa heights. In other words: duwag at walang balls!

6. Walang alam sa buhay kundi waldasin ang pera ng magulang at ipagawa sa iba ang lahat ng kailangan niya. Wala siyang kayang gawin para sa sarili niya at para sa ibang tao!

7. Hindi marunong magmahal because the only thing important to this jjerk is pahabain ang listahan ng mga babaeng mapapa-ibig niya at eventually iiwang luhaan to once again prove na kahit sinong babae, hindi siya kayang tanggihan.

So when you feel like you’re falling in love with this good for nothing douchebag and you feel like crossing the line…

BABALA: WAG TATAWID. NAKAMAMATAY!

-Girl X

Project Ex (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon