Nakatunganga ako sa harap ni Kristele. Tumayo siya at malungkot na ngumiti. "It's your choice, though. Kung ayaw muna.. just be there for him."
Naayos ko ang sarili ko na lutang na lutang. Iniisip ko kasi ang sinabi ni Kristele. Kung ipapakita ko kay Luther na walang nagbago, paano namin matatanggap na hindi kami pwede? Lahat ng lakas ko noon ay tila ba nilipad na sa lahat ng pinagdadaanan ko.
I need to let him go.. mas mabilis mas madaling matanggap. Luther is strong.. alam kong makakaya niya ito kahit mawasak ako. Gusto kong bumalik ang buhay niya kaya ginagawa ko ito. Ilang linggo na din siyang nakakulong habang ako ay malaya dito.
"Sasha," natigilan ako sa pagkakabit ng heels when I heard dad from outside. I don't know kung ano ang sasabihin niya or plano niya pero pinili ko pa din na papasukin siya sa room ko.
"Bakit?" Tanong ko. Nakapamulsa si daddy at tinignan ako mula ulo hanggang paa. For some reasons biglang nagtayuan ang balahibo ko. Dad looks gives me creep. Umiling ako .
"This party is for, Luther.. papa will be here and some elite businessmen--" hindi ko na siya pinatapos. I get it! Alam ko na kung ano ang sasabihin niya. Na layuan ko si Luther-- blah!blah!blah!
"I know what to do.. hindi niyo na kailangan ulit ulitin.. I will distance myself to him.. huwag po kayong mag-alala.. hindi ko ipapahiya ang pamilya." Hindi ko maitago ang pait at tabang sa boses ko.
"Sasha, I'm so--" umiling ako kaya nayigil si daddy. I'm so fucking tired hearing his sorry for me and Luther. Kahit umabot sa ibang planeta ang sorry niya, wala naman mababago diba? Hindi pa din kami pwede ni Luther. Magkapatid pa din kami kahit maubos niya ang sorry sa mundo.
Huminga ng malalim si daddy. "Thanks, Sasha.. I know it's right na seyo ako lumapit. Luther will never listen to me. You're doing the right thing.. thank you for saving our family."
Mabilis kong pinalis ang luha ko. I saved the family years ago but I never had the credit. Ngaun? I don't need his credits dahil hindi ko naman gusto ang gagawin ko. It's just that I need to do this.
"Dad," natigil si daddy sa paglalakad ng tawagin ko siya. "Lalayuan ko si Luther for family sake. Will you set him free after this party?"
Natigilan si daddy. Tinignan niya pa ako na tila ba sinusuri kung totoo ang sinasabi ko. Matapang akong nakipagtitigan sa kanya hanggang unti unti siyang tumango.
"He'll be free." Malamig na sagot niya tsaka ako tinalikuran.
Tumango ako at bahagyang ngumiti kahit hindi na niya nakikita. I guess every sacrifice has a price. Isusuko ko siya kapalit ng kalayaan niya. Para bumalik na sa normal ang buhay niya.
Mag aalas siete na ng bumaba ako sa living room. Madami ng tao ang nakakalat at halos lahat ng kamag-anak ko ay nandito. Ang mga pinsan ko ay lumapat ang tingin sa akin ng makita nila ako. Tila ba may krimen akong ginawa na makikita mo sa mapanghusga nilang mga mata.
Umiwas ako sa gawi nila ng magbulung bulungan sila. I need to pretend that I'm okay. Iyon forte naman talaga na iyon ang magaling ako.
"Sasha, na-miss kita!" Halos mapalundag ako ng makasalubong ko si Draco at yakapin ako. He's very hyper sa pagbati sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanya kaya napanguso siya. "Ohhh--- I guess I'm not good in pretending." Huminga siya ng malalim kaya napatingin ako sa kanya.
"Pretending?" Nagtatakang tanong ko. "Yes, I still feel bad for you and Luther. You know-- I know you're not fine, I'm just trying to lighten up the mood."
Bahagya akong napatawa sa sinabi niya. "Do I look like a joke?" Bahagyang nagdikit ang kilay niya. Umiling ako at mabilis na yumakap sa kanya. "Thank you." Salita ko tsaka ko siya iniwan. Somehow napagaan nila ni Kristele ang loob ko. Knowing na meron naniniwala sa amin ay nag pagaan ng loob ko.
YOU ARE READING
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
32. Bad
Start from the beginning
