"Para san pa? Wala naman akong pake dun sa babaeng araw na sinasabi mo"

Bakit ba napaka big deal ng babaeng araw nayun dito sa Kirk na to? Siguro may gusto tong playboy nato dun sa babaeng araw nayun -_____-

"Hahaha! Ewan ko sayo Kris. Saka kakaiba kaya yung babaeng yun siya lang naman kaisa-isahang hindi nabaliw sa kagwapuhan ko saka may gusto kaya sayo yun kaya nga ang lakas tumili kanina e"

Kaya pala kilalang kilala ng Kirk nato yung babaeng araw nayun. Saka sino ba naman kasing baliw ang mababaliw sa kagwapuhan niya eh kamukha niya nga yung nakita kong unggoy sa subic -____-

"Walang may pake" bored na sabi ko

"Ewan ko sayo. Humanap ka nga ng kausap mo" sabi niya sabay walkout

Sus maypawalkout pa siyang nalalaman maghahanap lang naman yun ng panibago niyang lalandiin -_____-

"H-hi K-kris"

Sino nanaman kaya tong babaeng to?

Psh. Yung Sunny nayun lang pala =______=

"Problema mo?" tanong ko

"A-ah wala wala. Hehe" sabi niya sabay takbo kaso ayun nadapa pa.

Tanga tanga naman ng babaeng yun =_____=

[ Sunny pov ]

Napatingin si Kris mylabs sakin! Kyaaaa~

Im so kilig *u*

Siguro pinag uusapan ako nung Kirk the playboy nayun. Malaman ko lang na sinisiraan ako ng playboy nayun humanda siya sakin pero syempre JOKE lang yun noh hahaha! Takot ko lang sa mga fan girls niya :)))

"H-hi K-kris" sabi ko

Ano ba yan Sunny bakit ka nauutal sa harap ni Kris? Nako wag ka munang kiligin dyan mamaya na lang pag uwi mo na sa bahay mo at saka mo dun ilabas yung kilig mo kay Mae xD

"Problema mo?" tanong niya

Kyaaaaa~ Kinausap niya ako! Kinausap niya ako! Kyaaaaaaa~

"A-ah wala wala. Hehe" sabi ko sabay takbo na

Grabe ang gwapo niya talaga! Maka laglag pan--

*Blag*

Aray ko po! Kung kailan nandito si Kris saka pako nadapa. Nakakahiya naman >______<

Tignan mo pa nakatingin sakin si Kris tapos yung mga estudyante na nasa loob ng canteen natawa. Nako major turn off yun para kay Kris >######<

Kailangan ko nang maka alis dito. Grabe na yung moment ko. Close na close na kami ng sahig saka di ko na keri yung mga tawanan nila sakin lalong lalo na yung tatlong mean girls nayun.

Ang lampa lampa mo kasi Sunny eh!

Tumakbo nalang ako palabas sa canteen dahil sa kahihiyang ginawa ko. Tatlong beses ko na ata tong pagkadulas at sobrang close na talaga kami ng sahig halos hindi na nga kami mapaghiwalay e. Pero hayaan na nga atlist napansin ako ni Kris diba? Hahaha! Galing mo talaga Sunny dabest ka talaga *u*

Dont ya worry Kris mapapansin mo rin pinakamagandang si Sunny. Nyahahahaha! Charot lang xD

--

a/n:

Yung nasa multimedia nga pala guys ay si Kris Tejano *u*

My Crazy SadistWhere stories live. Discover now