Chapter 4: Don't Be Scared Of The Dark

Start from the beginning
                                    

Pilit akong nagpupumiglas ng inakbayan ako ng isa sa kanila. Ano bang akala nila sa akin? bayaran? Naramdaman ko ang pagpisil nito sa braso ko kaya't pilit ko itong itinulak at sinampal.

Natigilan sila pero muling natawanan. Tumalikod ako para umalis pero marahas akong hinablot ng isa sa kanila.

"Tsk, Magkano ba kasi? Haha, mabilis lang tayo."

"Bitiwan nyo ako! Tulong!"

Panay ang hila ko sa braso ko para makaalis sa pagakahawak nila, nagtawanan pa rin ang ibang naroon. Natatakot ako. Mag-isa lang ako at lima silang nakapaligid sa akin.

"Bitiwan nyo nga ako sabi eh."

"Sige na Miss, mageenjoy ka."

Amoy na amoy ang alak at sigarilyo sa kanila na mas lalong nagpakaba sa akin. Nagsisisgaw ako ng pilit akong hilain ng mga ito hanggang naramdaman ko ang paggapang ng isang kamay sa hita ko.

"BASTOS KA!",Aktong sasampalin ko ang lalaking humawak sa hita ko ng mabilis nyang napigilan ang kamay ko.

"Parang awa nyo na, pakawalan nyo ko.", Mahigpit ang hawak nila sa akin habang pinipigilan ko ang paghila nila. Nananakit na ang braso ko.

Kinakabahan ako.

Natatakot ako.

Nanginginig ang mga kamay ko.

"Maya na, pagkatapos namin sa'yo."

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko habang pilit na nagmakaawa sa kanila pero parang wala silang marinig.

Tuloy tuloy ang buhos ng ulan.

Nakahanap ako ng pagkakataon para sipain ng malakas ang isa sa mga lalaking may hawak sa akin. Nakawala ako ngunit mabilis nila akong nahabol.

"TULONG!!!"

Narinig kong naghiyawan ang iba na para bang tuwang tuwa sa nangyayari.

Mga hayop.

"Walang makakarinig sayo Miss."

Pinaghihila nila ako pero buo ang loob ko na makatakas sa kanila.

"TAMA NA!! PAKIUSAP, WAG NYONG GAWIN TO.", Nagsisigaw na ako kasabay ng pag-agos ng mga luha ko. Diyos ko, wag nyo pong hayaan mangyari sa akin ito.

"Malamig ngayon, magpapainit muna tayo."

"HAYOP KAYO!! BITIWAN NYO KO."

Pinalo ko ng bag na hawak ko yung isa at tinamaan sya sa mukha, sa gulat nya ay bahagya nya ako nabitawan. Ginamit ko ang buong lakas ko para makatakbo pero may humila sa bewang ko kasabay ng masakit na pagtama ko sa sementadong sahig.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now