Tinignan ko lang siya tapos nagpameywang ako. Hinihintay ko siyang magsalita. Pero hindi siya nagsalita at nakatingin lang sa'kin. I mean, balik pokerface Cy na ba ito? Gods, no way!

"Alam mo mahirap gawin 'yung myth ni Orpheus at Eurydice. Kailangan mong kumanta, kailangan mo ng snakes, kailangan mo ang Underworld and whatsoever kaya I suggest na magiba na lang tayo ng tale na ipo-portray!" Sabi ko sa kanya not realizing na papalapit na pala siya sa'kin. Nagulat na lang ako nang makita ko na siya sa harapan ko. Medyo malayo pa naman siya, nakakahinga pa naman ako kaya keriboom lang.

"Monday na 'yung roleplaying. Anong gagawin natin?" Tanong niya sa'kin.

"Theseus and Ariadne!" Masigla kong pagkakasabi sa kanya. "I-skip na lang natin 'yung labyrinth part tapos dun na tayo sa part na iniwan ni Theseus si Ariadne sa isang island. Parang gagawa na lang tayo ng sarili nating script." Suggestion ko sa kanya.

Napaisip siya ng ilang minuto. Nakatayo lang siya run habang dina-digest sa utak niya 'yung sinabi ko. Habang nagiisip siya eh hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya. Alam mo 'yung feeling na dati pangarap mo lang siyang makausap kasi nga hindi siya nagsasalita tapos ngayon lagpas sampung words na 'yung binitawan niya sa'kin. Tapos... tapos kasi naman 'di ba nasabi ko na noon na perfect boyfriend siya kung nagkataon lang na nagsasalita siya--eh ngayon na nagsasalita na siya huehue omgs, perfect na perfect na nga talaga TT TT

/insert thunder's roar here/

Oh yes, Popsy. I know you're watching. Hindi ako lalandi, pramis.

"Akala ko ba ayaw mo ng love story?" Tanong niya sa'kin.

Agad akong napaiwas ng tingin. Sht. Sabi ko kasi sa kanya ayoko nung Orpheus at Eurydice kasi love story. Sht, sht, sht! Baka isipin niya may HD ako sa kanya. Omgs, nooooo~

"B-Bakit?! Hindi naman love story 'yung kina Theseus at Ariadne ah! Iniwan nga si Ariadne, 'di ba?! Broken hearted siya! Wala namang sweet-sweet scenes dun!" Pagtatanggol ko sa sarili ko sabay cross arms.

Tyaka ko na lang napansin na tumatawa na siya ng bahagya habang umiiling-iling. Huehue, oh my gods. Bakit ang pogi niya po /.\

Please help me gods huehue TT TT

"O sige, sinong gagawa ng script?" Tanong nito sa'kin pagkatapos niya akong pagtawanan. Gago talaga 'to kahit kailan :3

"Syempre tayong dalawa! Alangan naman na ako lang?!"

Natawa ulit siya. At hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko't mas nilapitan ko pa siya. Tinignan ko siya ng mata sa mata. Ina-analyze ko kung anong namana niya kay Uncle Hades. Sa bagay, medyo gumaan din 'yung pakiramdam ko kasi for the first time may nahanap din akong katulad kong demigod. Pero nalulungkot pa rin ako kasi hindi ko makwento sa kanya 'yung mga bagay-bagay sa Olympus na gusto kong ikwento.

"Aminin mo..." Pagkompronta ko sa kanya, "...demigod ka 'no?" Seryosong-seryoso kong pagkakatanong.

Napakunot siya ng noo habang nakatingin sa'kin.

Hindi siya sumagot.

"Magaling ka sa Greek Myth. Nakakapagsulat ka ng Greek. At kung gumalaw ka para kang may kaparehong god." Seryoso pa rin ako, "Demigod ka 'di ba?"

Sobrang gustong-gusto ng buong pagkatao kong aminin niya na demigod siya. Kapag na-confirm kong demigod siya, magkakaron na ako ng bff! Magkakaron na 'ko ng isang taong pwede kong pagsabihan ng mga problema ko sa Olympus at dun sa mga half-sisters/brothers ko tyaka run sa step-nanay ko. Hindi na ako magiisa! Kaya please please please Cy, please! Umamin ka na huehue TT TT

"Aminin mo na, Cy." Pangungumbinse ko sa kanya.

"Hmmm..." Napaisip ito habang nasa harapan ko pa rin.

Nagulat na lang ako nung lumevel siya sa'kin. Nakalagay 'yung magkabilang palad niya run sa tuhod niya. Nakatingin siya sa'kin at sobrang lapit niya. Pakiramdam ko tatakasan ako ng kaluluwa pero tumayo pa rin ako ng matuwid at sinusubukang hindi magpaapekto sa kanya.

"Sa tingin mo kung demigod nga ako..." Mas lumapit pa siya kaya bigla akong napapikit. Dumilat ako at nakita kong ilang inches na lang 'yung pagitan namin. Bigla akong kinabahan. Omgs, alam niyo namang kay Apollo lang 'yung puso ko! Hindi ako pwedeng maganito ng kung sino-sino lang! Reserve kaya ako huehue, "...sinong magulang ko?" Pagpapatuloy ng tanong nito sa'kin habang nakangisi.

Huehue. Ang pogi pogi pogi pogi niya lalo't sobrang lapit niya sa'kin! HD na HD ((high definition)) 'yung kagwapuhan niya! Popsy please, magpaulan ka naman o kidlat o kulog o kahit ano na lang please huehue I need you to save meeeh~!

Demigoddess - Daughter of ZeusDonde viven las historias. Descúbrelo ahora