Saan ko nga nakita ‘to?

"This must be my lucky day," saad nito at biglang nagliwanag ang kaninang nakakunot-noong mukha.

Napatitig lang ito sakin at parang bigla kong gustong matawa sa itsura niya. Doon ko na din naalala ito.

 

Asian Zeke, tss.

Kung akala nito magsa-somersault ang puso ko sa intense ng pagtitig niya, think again. We started on the wrong foot dude, and I don't intend to forget that.

So I stared back at him, bored.

Sige lang ituloy mo yang pagtitig mo, I can do this all day.

Hindi naman ako ang naka-squat saming dalawa, hahahaha.

Maya-maya ay tila nagising ang diwa nito sa pagkakahimbing.

"Remember me?" saad nito sakin after flinching. I didn’t mind kahit pa almost half foot na lang ang distansiya ng mukha nito sakin.

"Jem? Nagkita na tayo kahapon sa Sunken Garden," dagdag nito nang walang nakuhang sagot at tumayo na.

"De nangalay ka?" natatawang saad ko at umayos na ng upo.

Sa gulat ko ay tinapik nito si Sand na busy pa rin sa ginagawa. "Dude, pwede bang diyan na lang ako umupo?"

What a douchebag!

Akmang magsasalita ako nang makita kong seryosong tiningnan lang ito ni Sand at hindi man lang natinag sa presensiya nito.

"No. I came here first."

I almost forgot that Sand is Sand and not Sebastian. He can obviously handle himself, I can see that.

"Sige na, please?" pamimilit nito kay Sand na nakikipagpalitan na ng matiim na titig. But Sand was firm too.

Doon na ako nagpasyang sumabat.

"He already said no. Tsaka nasa likod na yung kaibigan mo. Nakakaistorbo ka na oh. Kitang may ginagawa ang tao," saad ko dito na halos paikutan ko na ng eyeballs.

In the end, wala itong nagawa kundi ang umupo sa likod.

Ang rude lang, grabe.

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang prof namin. She just discussed the syllabus and the book that we’re going to use the whole semester. It turns out, siya din pala ang nagsulat ng librong iyon. After that ay sinabi nitong may quiz kami next meeting. Pre-test.

I have no problem with that. I think.

***

Miss Astig 2Where stories live. Discover now