“Kaya nga kailangan mong maglagay ng mga pampaganda sa mukha.” Ani Apollo kay Liya. “Halika, punta muna tayo sa Watson bago tayo pumunta kay Magenta Amarillo,”

Tumango si Liya bilang pagsang-ayon. Nang makarating sila sa Watson ay binili nilang lahat ni Apollo ang sa tingin niya ay makakatulong sa kanya para gumanda. Maraming klase ng pampaganda iyon. Hindi nakaligtas kay Liya na umabot ng limang libong piso ang  halaga ng lahat ng iyon. Talagang ginagastusan siya ni Apollo para gumanda. Talagang gusto nitong gumanda siya at mapansin ni Mamoru. So, kinakailangan niyang gawin iyon para hindi naman masayang ang effort ni Apollo na pagandahin siya.

“Ang mamahal nito, Apollo,” ang wika niya nang lumabas na sila sa Watson Store. Bitbit niya ang dalawang paper bag ng mga beauty  products.

“Ano ka ba, Liya,” sabi ni Apollo. “Ginagawa ko ito para sa iyo, okey? Ginagawa ko ito dahil kaibigan na ang turing ko sa iyo. Isa pa, alam kong gusto mo si Mamoru. Kaya okey sa akin na maging gf ka niya. So, para hindi ka maging alangan sa kanya, kailangang mag-transform ka,”

“T-Talaga bang kailangan ito?” tanong niya kay Apollo.

“Liya, napag-usapan na natin ito, ‘di ba?” nakangiting sabi ni Apollo. “Gawin mo na lang, Liya, mas matutuwa ako kapag ginawa mo,”

“O-Okey,” sabi ni Liya na napatingin sa mga bitbit niyang dalawang paper bag ng pinamiling beauty products sa Watson Store.

“Ako nang magdadala niyan, okey,” kinuha ni Apollo ang bitbit niyang dalawang paper bag. “Panget namang tingnan, kung ikaw pang babae ang magdadala nito, Samantalang kasa-kasama mo ko.”

“S-Salamat hah,” nahugot ni Liya ang paghinga. Ang bait naman niya naman kahit may pagkaarogante at mayabanh! Di lang pala siya basta guwapo! Mabait din naman pala. Siyete ka, Liya, ano ka ba? Huwag ka ngang hangal diyan. Si Mamoru ang type mo ‘di ba? Kaya, i-spare mo si Apollo. Saka, imposibleng magustuhan ka ni Apollo. Magaganda lahat ang mga naging gf niyan. Kilala niya ang mga naging gf ni Apollo. Mga magaganda at sikat sa buong eskuwelahan ng Pinagpala. Wala pa siyang nakitang nag-girlfriend ng panget si Apollo. Ang alam niyang huling naging girlfriend ni Apollo ay isang commercial model, si Iluminada Estrella na lumabas na sa isang commercial ng toothpaste at isang shampoo commercial. Anong panama niya sa babaeng  iyon? Saka, isa pa, hindi si Apollo ang gusto niyang makapansin sa kanya. Si Mamoru lang. Si Mamoru lang ang gusto niyang maging boyfriend niya.

“Wag ka munang magpasalamat, okey,” ani Apollo. “Ang kailangan natin, mapa-ibig mo si Mamoru.”

“O-Okey!” sabi ni Liya.

“Halika na!” ani Apollo. “Mabuti pa’y sumakay na lang tayo ng elevator para mas makarating tayo kay Magenta Amarillo.”

“Okey,sabi mo eh.  You're the boss,” sabi ni Liya na ngumiti nang ubod tamis kay Apollo.

ISANG MALAKING BOUTIQUE ANG PINUNTAHAN NI Apollo at Liya. Nakalagay sa labas ang malaking  pangalan nito na “MAGENTA AMARILLO -  Dolls of Fashion”. Hindi nag-atubiling pumasok si Liya at Apollo sa loob ng boutique.

“Good evening, Ma’am, Sir!” ang bati sa kanila ng isang guwardiya nang makapasok sila sa loob ng boutique.

Tumango lang si Apollo at si Liya sa guwardiya.

“What we can do for you, Sir, Ma’am?” ang tanong ng isang babaeng lumapit sa kanilang dalawa. Mukhang receptionist ito ng naturang boutique.

“We’re just looking for Ms. Magenta Amarillo,” sabi ni Apollo.

“Who are you, young man?” ang tanong ng isa pang babae na lumapit sa kanilang dalawa. 

“Just tell her, Mr. Apollo Abrenica is looking for her,” ang sabi ni Apollo sa babae.

He's Dating a Panget - (On Hold)Место, где живут истории. Откройте их для себя