Ika-Labing Tatlong Kabanata

Comenzar desde el principio
                                    

“Huwag ka munang magpasalamat,” ani Apollo. “Second stage pa lang ‘yan. Saka, natatakpan lang ng make up yang magaspang mong mukha,”

“Ipangalandakan ba?” sumimangot si Liya na nagsalubong ang kilay niyang manipis na. Nagawan na kasi ng paraan ni Tito Pido na panipisin ang makapal niyang kilay.

“Kaya susundin mo si Tito Pido, gumamit ka ng mga facial wash at pampaganda sa mukha.” Ani Apollo. “Ngayon din, pupunta tayo sa Watson para bumili ng mga beauty products na magagamit mo.”

“At isa pa,  me mai-re-recommend ako sa inyo na taong puwede ninyong pagtanungan tungkol sa mga latest fashion and trends ngayon,” ani Tito Pido sa kanya. “O, etong calling card niya, hanapin ninyo siya, sa fourth floor ng building na ito.”

Tiningnan ni Liya ang calling card. Nabasa niya ang malaking letra ng pangalang nakalagay doon. “Doll of Fashion- MAGENTA AMARILLO,”  fashion consultant. Mukhang bigatin na fashion consultant.  Parang nabasa na ni Liya ang pangalan nito sa ibang mamahaling fashion magazine.

“Sige po, pupuntahan po namin siya,” ani Apollo sa kanyang Tito Pido.

“Pakisabi mo sa kanya, pinapunta ko kayo doon.” Ani Tito Pido. “Don’t worry, sagot ko ang expenses. Banggitin ninyo lang ang pangalan ko, alam na niya ‘yun,”

“Thank you very much, Tito Pido!” ang sabi ni Apollo.

“Walang anuman ‘yun, inaanak,” nakangiting sabi ni Tito Pido. “Basta dalawin mo naman ako palagi rito. Isama mo na rin ang barkada mo hah.  O, sige na, iho, baka gabihin pa kayo,”

“Salamat pong muli, Tito Pido.” sabi ni Apollo.

“Thank you po!” ang sabi ni Liya sa bakla.

“Oy, panget, ingatan mo ang inaanak ko ah,” sabay irap ni Tito Pido kay Liya. "Baka pikutin mo 'yan. Mawalannpa ako ng inaanak na sobrang guwapo. "

"Wala kong balak na maging asawa ng inaanak ninyo,  Tita Pido, meron na po akong ibang gusto.  Mas hamak na guwapo kaysa sa inaanak ninyo. "

"Aba'y sinong malas na lalaking 'yun,  mahadera ka? " nagtatakang tanong ni Tito Pido.

"Di po malas si Mamo-chan ko 'no? " pairap na sagot ni Liya.

"Don't tell me,  si Mamoru Kitagawa ang tinutukoy mo? " tanong ni Tito Pido na nanglalaki ang mga mata.

"Siya na nga po ang malas na lalaki,  Tito Pido, " natatawang sambot ni Apollo.

“Too bad.  Ang malas nga niya” bumakas ang kalungkutan sa mukha ni Tito Pido.

"Sobra naman kayong dalawa.  Pagkaisahan ba ko? " sumimangot si Liya. 

"Well,  goodluck sa love life mo,  panget. " kumindat pa na sabi ni Tito Pido bago tuluyang bumalik sa loob ng beauty salon nito.

"Thank you po. " sigaw ni Liya sa bakla bago binalingan si Apollo.  "Ngayon,  alam ko na kung kanino ka nagmana ng panlalait. "

"Ganon?  E di wow!" ang wika ni Apollo sa dalaga.  "Halika na nga,  baka gabihin nga tayong dalawa. "

Nang makaalis ang dalawa sa beauty salon ay hindi makapaniwala talaga si Apollo kay Liya. Ibang-iba kasi ang hitsura ngayon ng babae. Nawala na ang bakas ng kapangetan nito.  Nagmukha na kasi itong Japanese beauty queen. So, me pagkasingkit pala ang babae. Hindi niya kasi nakita iyon nang nakasalamin pa ito.

“Ang ganda mo na, alam mo ba iyon?” sabi ni Apollo sa babae.

“Alam ko po! Huwag mo nang sabihin pa,” dumila pa si Liya sa lalaki. “Alam ko, natatakpan lang ng make up ang aking tunay na anyo. Panget pa rin ako,  huwag mo nang ulitin pa. "

He's Dating a Panget - (On Hold)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora