Ika-Labing Dalawang Kabanata

Start from the beginning
                                    

“Ay ganito po ‘yan, Ma’am.” Saka isa-isang ipinaliwanag ng babae ang instruction ng pagsusuot ng contact lens. Matapos ang ilang minuto ay naisuot na ni Liya ang contact lens. “Ayan, Ma’am, tingnan ninyo po, ang ganda po. Bumagay sa  mata ninyo ‘yung napili nating contact lens,” Iniabot kay Liya ang isang salamin.

Pinagmasdan ni Liya ang sariling repklesyon sa salamin. Bumagay nga sa kanya ang contact lens na pinili sa kanya ng babae. Ang ganda-ganda na nga ng mata niya. Mata lang ngayon ang maganda sa kanya. Pero ganoon pa rin ang mukha niya. Magaspang ang balat ng pisngi niya. Marami kasi siyang black heads. Ang malapad niyang noo na natatakpan ng kanyang bangs. Ang maliit niyang ilong na pango na tadtad ng pimples. Ang isa pang maganda lang sa kanya ay ang manipis niyang labi na namana niya sa nanay niyang  maganda. Ang tenga niyang parang tenga ng daga. Sa medaling salita, panget pa rin siya. Pero at least, kahit paano’y may dalawang magandang parte ng kanyang mukha. Ang kanyang mga mata at ang labi niya.

“Nice job, Ma’am,” sabi ni Apollo sa babaeng nag-assisted kay Liya. “So, ngayon, tapos na ang first stage, next, second stage,”

“S-Saan naman tayo pupunta, aber?” tanong ni Liya.

“Halika,” sabay hila ni Apollo sa kanyang kamay. “Punta naman tayo sa isang beauty salon,”

“B-Beauty salon?” nanglalaki ang mga mata ni Liya. “Hindi ako bagay doon,”

“Don’t worry, okey, sabi ko nga sa iyo, ako ngayon ang Fairy Godfather mo,  Cinderella.”

“Wala kang originality,” sumimangot si Liya.

“Guwapo naman,” ngumiti si Apollo. “Halika, doon tayo sa ground floor, naroon ang pinakamahusay na Beauty Salon sa buong Pinagpala,”

Hila-hila pa rin ni Apollo ang kanyang kanang kamay. Pinagtitinginan na silang lahat ng ibang tao sa malls. Lalo na ang mga katulad din nilang mga estudyante. Merong mga estudyante, mula sa states colleges, technical school, lalo na sa kanilang eskuwelahan, sa Pinagpala National High School.

“Look, si Apollo Abrenica ba ‘yun ng Bad Lucks?”

“Sino ang kasama niya?”

“Bagong girlfriend ba niya ‘yan? Ang panget naman,”

“Is he dating that ugly girl? Ewwww! Kadiri naman ng taste ngayon ni Apollo. Malayo sa mga naging girlfriend niya.”

“Alam ba ‘yan ni Nada?”

“Napakasuwerte naman ng panget na iyan.”

“Oo nga, ka-holding hands pa niya si Apollo.”

“May sa mambabarang siguro ang babaitang iyan, kinulam si Apollo.”

“Nakakainggit naman ang panget na iyan,”

“Nakakainis! Mas hamak na panget pa ‘yan kaysa sa aken eh,”

“Uso ba ang panget ngayon?”

“Suwerte niya ah, nabingwit  ng mukhang janitor fish na iyan si Apollo.”

Tuloy-tuloy lang si Apollo sa paglalakad na hila-hila ang kanang kamay ni Liya. Binabagtas ngayon nila ang escalator pababa sa ground floor na kinaroroonan ng isa sa mga mahuhusay na beauty salon sa bayan ng Pinagpala.

“Huwag mo silang intindihin, okey,” ang bulong sa kanya ni Apollo. “Inggit lang sila sa iyo. Kasi ang isa sa pinakamapanget na babae sa buong eskuwelahan ng Pinagpala ay magiging maganda na simula bukas,”

He's Dating a Panget - (On Hold)Where stories live. Discover now