Chapter 9: First Mission part 3

1.6K 69 0
                                    

*Anschel's POV*

"........oooaaoooooaaaaoooohhh......"

"H-hallows..." naibulong ko

"Anschel! Anong ibig mong sabihin? Hallows ba ang mga paparating?" tanong sa akin ni Gino habang hawak nya ang espada nya

napatango nalang ako sa tanong nya... medyo nag papanic na rin naman ang mga iba pa naming mga kasama dahil mabibilang lang sa isang kamay ang mga pagkakataon na sinasalakay sila ng mga hallows dito

"Lagot! Patay na tayo..."

"Tumahimik ka nga! Kakayanin natin yan! Basta magtutulungan tayong lahat!"

"Alerto kayo! Hindi natin alam kung ilan ba ang makakalaban natin"

samutsari na ang mga komento nila..

huwag kang matakot Anschel , kakayanin mo yan.. at maipaghihiganti mo rin ang mga fallen guardians mo

"Kayong lahat, pumasok na sa loob ng Village, ako na ang magtutuloy ng ritual" utos ng village chief

"Pero chief, hindi namin kayo pwedeng iwan mag isa lang dito at wala man lang protekyon" rason nung isang Councillor

"Mas mahalagang maprotektahan ang Village natin, at nandito naman sina Gino at Anschel para bantayan ako..kaya pumasok na kayo sa loob at kami na ang bahala dito...iyan ang utos ko!" buong authoridad na sabi ni Chief Ivan

nagmadaling pumasok sa loob ng village ang mga gwardya at councillors

pero kapansin pansin ang pag papaiwan na ginawa ni Captain Kael (Captain ng Guards) , at 3 pang iba

Medyo masaya at may halong kaba ang naramdaman ko

Masaya dahil loyal talaga si Captain Kael kay Chief Ivan at hindi nya ito iiwan kahit ipahamak nya pa

at Kinakabahan dahil baka mapahamak sila sa mga kamay ng Hallows, ayoko nang makasaksi ulit ng ganoon pang mga eksena...

"Simula pa lang noong bata ka Kael matigas na ang ulo mo, akala ko noon pag tumanda ka mas magiging matalino ka na, pero hindi" napaiiling nalang si Chief Ivan "Mas lalo pa atang tumigas ang ulo mo"

Tumawa nalang kami sa sinabi ni Chief Ivan

"Tch, hindi ka pa nasanay Old man, alam mo namang hindi ka namin kayang iwang mag isa"

Medyo naiinis na sabi ni Captain Kael

"Paparating na sila" biglang sabi ni Gino

".......ooo..aaa....aaoooooooaaaooohhh..........."

Lumitaw ang anim na hallows sa harapan namin

For the love of Cream Puffs...Anim?!! may anim kaagad na Hallows ang susugod sa amin?

Hallows are Very hard to kill especially if you're only using ordinary weapons(though weapons could also be used to fight them, they are just not very effective againts hallows). It is most advisable to counter them with them magic.

Well, since nasa akin naman ang Air magic ni Aira, may advantage kami laban sa mga halimaw na to

"Guys! Mayroon bang kahit isa sa inyo na may Magic? Combat type Mage? " tanong ko sa mga kasama ko

umiling si Captain Kael "Wala sa aming mga Guards na nandidito ngayon, pero si Chief, ang alam ko may wind magic sya " napaligon naman kami sa direksyon ni Chief Ivan at Gino..

Nagcha-chant pa rin si Chief Ivan para sa ritual, si Gino naman ay alistong nakatayo sa tabi nya at nakahanda ang espada, kahit hindi sya nakatingin sa chief ay sigurado naman akong nakikinig sya sa Ritual

World of Magic: Crystal AcademyWhere stories live. Discover now