Ang aking.. frustration

46 0 0
                                    

2010.

Nang nag-umpisa akong magbasa dito sa wattpad at sa iba pang books online.

TALK BACK TRILOGY ang una kong nahiliganm at nasundan pa 'yon ng mga kwento nila Ate Denny, Ate Alyloony, Kuya Marcelo, Ate Peachxvision, Ate Chums, Kuya Jai, Ate Miarra, Ate Aril, Ate RejoiceTamad at madami pang iba..

Naging inspirasyon ko sila sa pagsusulat.

Dahil noon, nahiligan ko na talaga ang pasusulat, essay, poems, stories, hindi ko lang talaga pinupursue to.

2013.. una kong pinublish ang story na He's Still The One, novel yun.. at nung una natuwa talaga ko kasi marami ang nagbabasa pero dinelete ko yun sa kadahilanang hindi na ko nakakapag update wala na ring nagbabasa..

Pero.. isang beses napabasa ni Mommy ang mga gawa ko.. binigyan niya ko ng ilang words of wisdom.. GAWIN MO ANG GUSTO MO, WAG KANG TUMIGIL HANGGA'T DI MO NAKAKAMIT YUNG PANGARAP MO MAGING MATANYAG NA AUTHOR.

At doon, lalo akong nainspire..

Muli kong inedit ang he's still the one at ipupublish ulit.. Sumunod ang But He's A womanhater.. at nagdagsaan ang One shot at short stories ko..

Pero.. wala pa din. Walang nakakapansin.

Pero okay lang! Ginagawa ko din to bilang pasasalamat sa mga authors na nag inspire sakin sumulat at sa mommy ko. ;) 

Ngayon.. sa totoo lang frustrated ako, hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba to.

Pero gusto ko to. Hilig ko to.

Kaso pakiramdam ko naaaksaya lang ang internet, kuryente at ang effort ko sa pagsusulat.

Hindi ko na talaga alam..

Ngayon, habang tinatype ko 'to.. isang chapter na naman ang nadagdag.. itutuloy ko pa ba?

Blog sa Wattpad (Diary ng Frustrated Author)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon