Agad akong tumakbo papunta sa kwarto para ihanda ang gamit ko, naligo ako at nag-ayos ng sarili. Nagsuot lamang ako ng puting plain t-shirt at fitted na tokong. Tsinelas lamang ang ipinares ko dito.

"Jahe, gutom na ako. Wala pa akong kinakain."

Bakit ba kasi ako nahirapan makatulog? Napagod naman ako sa event. Tsk!

"You are the most beautiful lady here tonight... fine, lets go on a date tomorrow..."

"You are the most beautiful lady here tonight... fine, lets go on a date tonorrow..."

Para na namang sirang plaka ang mga linyang 'yon na nagpaulit-ulit sa isip ko. Kung pwede lang magkaroon ng delete option ay ginawa ko na.

Iba ang epekto ng mga 'yon sakin. Sinabihan din naman ako ni J na ang ganda ko pero hindi ko naman ginawang big deal.

Oh great! Now I'm comparing. Nice one, Isang.

Sinigurado kong lock ang buong bahay bago ako lumabas.

"Tara na. Saan ba tayo pupunta?"

Agad akong sumakay sa kotse niya.

"Daan muna tayo sa mall. Kailangan mong kumain muna. Siguradong hindi ka pa nakain. Kakagising mo lang e."

"Baka abutin tayo ng gabe pag madami pa tayong dinaanan?"

"Basta, kakain ka. Baka kainin mo ako sa sobrang gutom mo." Tudyo niya sa akin. Mahihimigan ang pagka-pilyo.

Sinabunutan ko naman ito ng bahagya. "God, Amaris! Can't you see that I'm driving?!"

Umirap ako sa kaniya.

"Ang galing mo palang kumanta? Akalain mong marunong kumanta ang pusa."

Isang pigilan mo sarili mong maging bayolente. Nagmamaneho 'yung tao baka mapahamak kayo.

Issng, kalma.

"H'wag mo na ipaalala."

"Kantahan mo 'ko." May pinindot siya sa cellohone niya at nagsimulang tumugtog ang isang pamilyar na kanta. She Will Be Loved.

"Ayaw ko. Tsaka na."

"Dali na. Ang ganda nung kanta oh."

"Pakasalan mo, maganda pala e."

"Kantahin mo na kasi."

"Ano ba? Edi ikaw kumanta? Nagugutom na ako. Sintunado ako pag gutom." Wala na akonh maisip na dahilan e.

"Edi pagkakain mo, kakantahan mo na ako?" Anito na parang bata na sabik sa isang bagay.

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana ng kotse. Grabe, gutom na talaga ako.

"Fine, basta bilisan mo baka mabaliw ako dito."

"Mga 30 minutes pa."

Lumipas ang ilang minuto pero malayo pa din kami sa mall. Jusko, kalam na ng kalam ang tyan ko.

Buti na lang at maganda ang paligid. Puro puno ang nasa tabi ng kalsada. Sariwang sariwa ang hangin. Kaso nga lang deretso bangin pag nahulog.

Binuksan ko ang bintana ng kotse ni Caesar. Idinukwang ko ang ulo sa labas at nilasap ang sariwang hangin.

"Hoy baka mapahamak ka dyan sa ginagawa mo!" Marahang tinampal ni Caesar ang likod ko.

Hindi ko ito pinansin.

Hindi na ako nakatiis. Tumayo ako sa kinauupuan ko at umupo sa pwesto ng bintana.

"GUTOM NA AKOOOOO!" Natatawa kong bulalas sa kapaligiran. Naging marahan ang pagpapatakbo ni Caesar kaya itinaas ko na ang mga kamay ko.

"Hooy bumaba ka dyan! Malapit ka ng kumain, tiis lang!"

Humawak ako sa bubong at iwinigayway kay Caesar ang mga paa ko.

"H'wag ka ngang baliw! Malaglag ka dyan!"

"Bilisan mo na lang." Masaya kong utos dito.

-----

Author's Note: Ieedit ko na po yung previous chapters. Para ganito na din ang itsura nila. Hehe.
P.S. Gutom talaga ako habang sinusulat ko 'to. Enjoy! Vote and comment po. Salamat!

Forever is With YouWhere stories live. Discover now