CHAPTER SIX

2.8K 58 21
                                    

CHAPTER SIX

MATULING lumipas ang dalawang buwan at summer break na. Nakasanayan na ni Saskia na sa bahay nina Eira matulog tuwing biyernes ng gabi. Madalas siyang ipinapaalam ni Eira sa kayang ina at wala namang problema. Abala naman si Ryder sa trabaho nito at kapag may libreng oras ay magkasama nilang sinusubukan ng trail sa hacienda. Masasabi niyang marunong na talaga siya pero hindi pa niya kayang gawin ang mga mahihirap na stunts. Gaya ng dati sinisikap niyang bahagyang dumistansya kapag nasa paligid lang si Ryder. Nangangamba kasi siya na mabuko siya nito. Wala naman siyang makitang kapintasan sa binata at naiinggit siya sa girlfriend nito dahil kahit malayo ay gumagawa ito ng paraan para laging mag-usap ang mga ito sa kabila ng pagiging abala ng binata.

"Girl, sama tayo sa grand opening ng hotel at resort sa isla bukas. Maraming adventures ang puwede nating gawin do'n like cliff diving!" excited na saad ni Eira.

"Nakakahiya naman, maraming mga bigating bisita do'n." gusto niyang tumanggi dahil inaabot na talaga siya ng hiya. Sobra-sobra na ang kabaitan ng magkapatid sa kanya. Baka isipin ng mga ito na umaabuso na siya.

"Ano ka ba, pag-aari ng family namin 'yon saka pumayag na si Kuya Ryder na isama kita. Darating din kasi sina Mommy at Daddy, ipapakilala kita."

"Ayokong sumama. Nakakahiya talaga, hindi naman ako member ng family. Magmumukha lang akong basang sisiw do'n." mariin siyang umiling. Nakikita na niya ang mangyayari sa kanya kung dadalo siya. Manliliit lang siya sa sarili dahil siguradong may mga sinabi sa buhay ang naroon. Samantalang siya nakisawsaw lang dahil anak ng may-ari ng resort ang kaibigan niya.

Namilog ang mata ni Eira, "Hindi mangyayari 'yan. Akong bahala sa'yo tayo naman ang magkasama. Hindi kita pababayaan do'n, promise." Pangungumbinsi pa nito. Kahit naman anong tanggi ang gawin niya mukhang hindi naman ito papayag na hindi siya sumama.

"Sige na nga!" ngumiti siya. Susubukan niya kung kaya din ba niyang makihalubilo sa mga may sinabing tao.

ABALA si Ryder sa pag-estima ng mga bisita. Successful naman ang grand opening ng resort at puro positive ang feedback na naririnig niya. Dumating din ang kanyang mga magulang galing sa Australia kaya kumpleto silang pamilya. Nakita niya sa di-kalayuan na ipinakilala ni Eira ang matalik na kaibigan nito sa kanilang mga magulang. Napako ang mata niya sa kabuuan ni Saskia, dalagang-dalaga itong tingnan sa suot nitong bohemian dress. Malawak ang ngiti nito sa labi at maaliwalas ang mukha. Matagal na siyang nagagandahan sa kaibigan ng kapatid pero tila iba ang awra nito ngayon. Parang hindi niya nagugustuhan ang mga tinging ipinupukol dito ng isang grupo ng kabataang malapit sa kinaroroonan nito. Wala sa loob na nagpaalam siya sa kausap at naglakad sa kinaroroonan ng magulang at kapatid.

"Oh hijo, congratulations! Successful ang grand opening." Masayang anas ng kanyang ama sabay tapik sa kanyang balikat. Humalik naman siya sa pisngi ng kanyang ina.

"Thanks dad, are you gonna stay here for good?"

"We need to go back in Sydney as soon as possible. May business conference kaming dadaluhan ng daddy mo," ang kanyang ina ang sumagot.

Sumabad naman si Eira, "Excuse, puwede ba kaming magliwaliw dito ni Saskia?"

"Go ahead, princess." Sang-ayon ng ama at bumaling sa kanya, "Ryder, samahan mo ang kapatid mo. Take a break kami na ang bahala rito."

"Yes dad," tumango ang binata. Gusto din niyang libutin ang kabuuan ng isla dahil ito ang bunga ng kanyang pagod sa loob ng ilang buwan.

"Saan n'yo gustong pumunta?" baling niya sa dalawang babae.

"I wanna try cliff diving!" sabik na wika ni Eira. Samantalang pangiti-ngiti lang si Saskia sa tabi nito.

Dirt Riders Club 4: Ryder Alcover (Fate's Backflip)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon