CHAPTER ONE

10.6K 97 8
                                    


NAPASUNTOK sa hangin si Ryder nang maabot niya ang finish line ng mahabang track ng Glen Helen Raceway sa San Bernardino sa California. Ngayon ginanap ang pamosong Monster Energy Cup International Motocross competition at sumali ang buong team ng Dirt Riders Club. Bagama't hindi siya ang nanguna sa nasabing kumpetisyon siya ang pumangatlo at tanging ilang segundo lang ang pagitan niya sa pumangalawa. Dinig na dinig niya ang malakas na sigawan ng mga libo-libong nanonood pati na rin ang pag-arangkada ng ilang mga motorsiklo na kapwa niya ay nakarating din sa finish line. Hindi rin papaawat ang dalawang seksing babae na nakatayo sa gilid na bahagi ng finish line na walang sawang iwinawagayway ang isang checkered flag.

Nasa kolehiyo siya nang magkahilig sa mga motorsiklo lalo na sa sports na motocross. Katunayan marami siyang koleksyon ng dirt bike at sportsbike pati na rin ng ibang mamahaling sasakyan. Hindi naman siya nanghihinayang dahil kakaibang saya ang nararamdaman niya sa tuwing pinagmamasdan ang kanyang mga koleksyon. Ito kasi ang nagsisilbing larawan ng kanyang tagumpay sa buhay. Kabilang ang kanyang pamilya sa mga pinakamayayaman sa kanilang lugar dahil sa mga negosyong hawak ng kanyang pamilya sa linya ng real estate at tourism. Ilang isla ang pag-aari ng kanilang pamilya at idinevelop para maging tourist attractions. Hindi din siya nagdalawang isip na pasukin ang mundo ang pagnenegosyo at malaki ang mga investments niya sa real estate sa Australia at Dubai. Ang motocross naman ang kanyang paboritong libangan kapag wala siyang masyadong ginagawa lalo na kapag umuuwi siya sa Pilipinas. Halos pitong taon din siyang nanirahan sa Australia kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Deianeira dahil na rin sa kagustuhan ng kanilang mga magulang. Hanggang ngayon ay mas pinili ng magulang na manatili sa Australia at sila naman ng kapatid ang narito sa Pilipinas para tingnan ang mga ari-ariang iniwan ng mga ito. Madalas siyang sa hacienda nila sa Zambales namamalagi kasama ang kapatid. Magkatulong silang namamahala niyon ngayong nagbalik na sila sa Pilipinas.

Dahil sa kanyang hilig sa pagmomotor kaya niya naisipang sumali sa isang motocross team pitong taon na ang nakakaraan---ang Asian Supercross Club. Kalaunan ay nagpalit siya ng team dahil sa Australia na siya namalagi. Doon niya nakilala sina Satoaki at Cole. Kapwa may dugong Pilipino ang dalawa kaya agad silang nagkasundo. Kaya lang sadya nga talaga sigurong hindi nawawala ang inggit sa isang samahan dahil pinag-initan siya ng isang opisyal ng grupo kaya mas pinili niyang umalis sa samahan at bumalik sa Pilipinas. Nakilala naman niya si Riki Cheng sa isang business convention at napag-usapan nila na pareho pala sila ng hilig. Nabanggit nito na nagtayo ito ng samahan kasama ang dalawa pa nitong kaibigan na sina Aven at Flan na pareho niya ay mahilig din sa motocross. Nagdesisyon siyang sumali sa mga ito at nang malaman nina Satoaki at Cole ang kanyang naging pasya ay hindi nagdalawang isip ang mga ito na sumama sa kanya. Ngayon ay pito na silang lahat na bumubuo ng kanilang grupo---ang Dirt Riders Club, kasama ang pinakabata sa kanila na si Sid. Naghahanap sila ng bagong mga miyembro pero napagkasunduan ng grupo na salaing mabuti ang mga susunod na aplikante. Malapit silang pito sa isa't-isa kaya iniiwasan nilang magkaroon ng kagrupo na hindi nila makakasundo. Bukod pa iyon sa mga requirements na inilatag nila.

"Congratulations!" halos magkasabay na bati nina Satoaki at Cole. Lumapit din si Flan at binati siya. Tumapik sa kanyang balikat si Satoaki. Tinanggal niya ang goggles at ang helmet. Napansin niyang halos kumpleto na silang lima sa team. Hindi sumali sa kumpetisyon sina Riki at Aven dahil ito ang nag-assist sa kanila kasama ang kanya-kanyang asawa ng mga ito na sina Lei at Skyler.

"Maraming salamat," malawak ang kanyang pagkakangiti at marahan siyang umiling.

"Let's go back to the paddock. We'll wait for the awarding," sabi ni Cole. Nagkasundo naman silang lahat na bumalik sa tent na nakalaan sa kanilang grupo para na rin makapagpahinga.

Dirt Riders Club 4: Ryder Alcover (Fate's Backflip)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon