Chapter 8: First Mission part 2

Start from the beginning
                                    

Inuulit ko sa isip ang plano para sa misyon mamaya, dahil dun ay hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na pala si Gino.

Tinapik nya ako sa balikat

"Huwag mong masayadong isipin, baka makalimutan mo..sige ka"

"Haha, pasensya na..hindi ko mapigilan eh"

"Unang misyon mo ba ito kaya ka kinakabahan?"

"Ah, oo.. Home Schooled kasi ako at unang besses ko palang pusmasok sa isang Academy"

"T-teka nga, hindi ba dapat wala kang naaalala? hindi ba't nagka amnesia ka???" pagtataka ni Gino saakin

AHH...Patay -_-

"Unti-unti palang bumabalik ang mga alaala ko..un nga lang medyo gulo-gulo pa rin" palusot ko nalang sa kanya

Saglit syang natahimik

"Kung unti unti nang bumabalik ang mga alaala mo, ibig sabihin kilala mo na ang sarili mo?"

"Oo"

"Kung ganon ay wala nang dahilan para tawagin ka namin Anschel"

"wala na nga .. pero gusto ko Anschel pa rin ang itatawag nyo saakin, para kasi sa kaligtasan ko iyon"

"Okay, Alam ba to ni Sir Reigan?"

"Haha, Oo naman Sya pa nga nagbigay sa akin ng pangalang Anschel eh, maniwala ka man o sa hindi dati ko nang kilala si Kuya Reigan at Kuya Maxwell"

"That explains why malapit ka nga kay Sir Reigan, para kasing nakakabatang kapatid ang turing nya sa iyo eh"

"uh-huh....Gino, lahat nang napag usapan natin ngayon, hindi ito malalaman ng iba maliwanag? Sinabi ko sa iyo ang mga ito dahil pinag kakatiwalaan ka ni kuya at magaan din ang loob ko sa iyo. Makakaasa ba ako na pagkakaingatan mo rin ang Sikreto ko? "

"Oo, makaka asa ka saakin..Magaan rin ang loob ko sayo,..friends?" sabi nya sabay abot ng kamay nya

"Friends :) salamat Gino"inabot ko rin ang kamay nya

"Basta ikaw"

Pagkatapos ng pag uusap na un, parehas lang kaming naupo sa ilalim ng puno habang nakatingala at nagmmasid ng mga bituin sa langit

10:30pm

Ding...Ding...Ding

NAKAABANG NA ANG MGA HALIMAW SA LABAS! MGA GWARDYA MAGHANDA NA SA PAGSALAKAY!

Nagising ako sa malakas na tunog ng kampana at malakas na boses nung gwardya

Ay Cream Puffs!!!

nakatulog pala kami ni Gino! At shemay lang dahil nakasandal ako sa balikat nya..kyaaa!!! XDD

paglingon ko sa kanya ay mukhang nagising rin sya sa mga malalakas na ingay kanina..

"S-sorry, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako...t-tapos, nakasandal pa ako sa balikat mo" nahihiyang sorry ko sa kanya

"O-okay lang, ano *Ehem* nakasandal rin kasi ako sa ulo mo kanina" medyo namumulang sabi nya

dug dug..dug dug

EHH?!!

(A/N: PBB Teens lang ang peg ah, mag focus kang sa misyon mo!)

sungit na Authot oh.. oo na po

"Anschel, tara na"

"S-sige"

*Gino's POV*

nakatayo ako ngayon sa labas ng village kasama ang tatlong grupo ng gwardya , 2 village councilors at ang village chief at syempre si Anschel

Bawat Councillor ay may hawak na dalawang malaking garapon, ang isa ay naglalaman ng Silver Dust= nagtataboy ng mga halimaw at nakakamatay para sa kanila kung malalanghap, at ang isa naman ay ang Gold dust= magiging boarder ng gagawing anti evil ward. Base sa kwento ng mga councillor, ang gold dust daw ay parang binhi na tumutubo lang pag nasisinagan ng hatinggabing buwan. At ang mga tumubong mushroom galing sa gold dust ang papalibot at village at magsisilbing wards..

PHASE NG PLANO

*Eliminate ang lahat ng mga nakalapit na halimaw sa anti-evil ward ng village

*isasaboy ang silver dust at gagamitin ni Ace ang Air power nya para I-circulate lang sa hangin sa paligid namin ang silverdust, sa ganoong paraan hindi na makakalapit ang iba pang Halimaw

*sisiumulan na ang ritual at isasaboy na rin ang gold dust sapaligid ng buong village, gamit naman ang Archive magic ko ay irerecord ko ang chants ng ritual para kung kakailanganin man, may alm kaming warding spells

11:50pm

maghahating gabi na at malapit na ring matapos ang anti-evil ward. Kailangan nalang masinagan ng hatinggabing buwan ung gold dust na nakakalat sa lupa habang patuloy ang pagcha-chant ng Village Chief

Bigla nalng may umihip ng malakas at malamig na hangin, napalingon ako kay Anschel para tanungin sya kung sya man ang gumawa nun, mukhang hindi lang ako ang nag iisip nun dahil halos lahat ng tao na kasama namin ay tumingin rin sa kanya...

"Ihanda nyo na ang mga sandata nyo, may dalang babala ang hangin. May mga paparating..." tahimik na sabi ni Anschel habang nag iiba na ng tindig ng tayo nya

"T-teka, hindi ba't meron pa ring Silverdust sa hangin? Maitataboy naman ng iyon ang mga nilalang na paparatin hindi ba?" tanong ng isang gwardya

"Kung hindi nyo napapansin, natunaw na ang ¾ ng silverdust sa hangin. At sapat na lamang ang natitirang ¼ sa mga maliliit na halimaw." paliwanag naman nya sa amin sa tanong nung gwardya"

himangin nanaman ng malakas, at kasabay ng pag ihip mas malamig na hangin ay ang tunog na nakakapanindig balahibo

".....ooaaaoooooaaoooooohhh..............."

<A/N: sensya na po sa sound effects XD. Kungwari nalang nakakatakot ^__^V >

***************************

Hi!! eto na ung Chapter 8, mamaya ung Chaps 9 & 10

Sorry po kung may mga errors

wha'cha think???

Don't Forget to VOTE and COMMENT!

~CallMeLia019 ^__^V


World of Magic: Crystal AcademyWhere stories live. Discover now