" Anak alam kung mahirap mawalan ng mahal sa buhay lalo at mga best friend mo ang nawawala. Pero don't worry ang pinsan mo pa ba ang titigil? No baby dahil hanggang sa hindi matatagpuan ang bestfriend mo at hindi titigil si Clyde. Ang problema ngayon ay si Cassandra kung nasaan ito ngayon. Still I know that you can defense yourself but let the law punish them and you know what I mean." tinig ng kanyang ama.
Hindi agad nakasagot ang dalaga dahil ayaw naman talagang sumang-ayun ng kanyang puso't isipan na manahimik na lamang.
" Is that clear Whitney Pearl Harden?" siguro nga ay hindi na mahintay ng kanyang ina't ama ang sagot niya kaya't muli siyang tinanong ng mommy niya at kapag gano'n na ang tono nito ay alam niyang kailangan na niyang sumagot.
" Yes mommy." labag man sa kalooban niya ay mas pinili pa rin niya ang sumagot.
Samantala sa bahay ng mag-asawang Cyrus at Weng, ay abala ang mga tao sa kaunting celebrasyon sa kaarawan ng kambal although wala ang mga sa kanilang piling.
" Sablay may naaalala ka ba?" May ngiti sa tanong ni Lampa sa asawa na kahit ilan na ang kanilang apo maski may mga apo na sila sa tuhod ay Sablay pa rin ang tawag sa asawa.
" Wala asawa ko hindi pa kasi ako uminum ng centrum." sakay naman nito sa biro ng asawa pero agad ding bumawi lalo at napasimangot ito.
" Asawa ko naman hindi na mabiro of course makakalimutan ko ba naman ang mga mahahalagang araw sa buhay natin? Of course hindi asawa ko. Magkaiba nga lang ang sitwasyon ngayon dahil parehas na wala dito ang mga apo natin. Si Vince Ethan nasa Korea na hindi man lang makaalalang tumawag, si Patrick Niel nasa Riyadh at gano'n din sa kanya ni hi ni ho wala." pahayag ni Sablay. Na siya namang pagbaba ni Weng upang salubungin ang mga biyanan niya.
" Huwag po kayong mag-alala mama malay natin kapag tatawag na sila eh may mga ipapakilala na sila. Anyway maraming salamat at nakarating kayo dito ni papa ng maayos." aniya ni Weng.
Sa narinig ay muling bumalatay ang ngiti na nagbibigay ng liwanag sa mukha ni Lampa. Ang butihing maybahay sa asawa , ina mga anak, at lola sa mga apo.
" Well , well not bad anak alam mo namang tumatanda na kami ng papa ninyo kaya't kailangan na ring magsipag-asawa ng mga apo ko." nakangiting aniya nito.
" Yes mama kaya't kahit wala dito ang mga celebrants ay dapat magsaya tayo dahil we're still lucky na as kabila ng katotohanang wala sila dito we're able to celebrate their birthdays." aniya naman ng bagong pasok na si Cyrus galing sa kinaroroonan ng mga caterers.
Dahil sa pagchecheer up ng mga kaharap ay napaliwanagan din nila ang ginang. Hindi sila nagkamali dahil hindi nagtagal ay masaya na rin itong nakikipagkuwentuhan sa mga panauhin na unti-unti na ring nagsipagdatingan.
" Oh mga apo ko. Halika kayo kay lola." tuwang -tuwa pa nga nitong sabi ng dumating ang mag-asawang Daylan at Crystal Marie, na sinundan ng mag-asawang John Chester kasama ang kani-kanilang mga anak.
Kung sa mga nakaraang okasyon ng pamilya ay sa tahanan o family ng mga Aguillar ito ginaganap, this time ay sa tahanan naman ng mag-asawang Cyrus at Weng para maiba naman daw sabi din ng ginang.
" We are the Aguillar's so let's have an adventure." ika nga nito.
Seoul Korea,
" Sir aba mukhang nakalimutan mo ang araw na too ah." pukaw ng isang tauhan ni Ethan.
" Oh anong mayroon Reyes?" patay malisya namang sagot ni Ethan.
" Kitam sir? Aba'y wala ka pang asawa ah mukhang makalimutin ka na." tuloy ay nakatawang kantiyaw ni Reyes na sinigundahan ng isa rin sa mga kasamahan nila iyun nga lang isa itong half korean/ half Pinoy kayat nakakaunawa ito ng tagalog iyun nga lang may accent ito kung magsalita.
YOU ARE READING
PARA SA IYO AKO'Y IIBIG PANG MULI
RomanceHeavy drama, how they fight for the right. A love or sacrificial love for friend.
PARA SA IYO AKO'Y IIBIG PANG MULI
Start from the beginning