In short, di ko na sya muling nakita pa.

..........................

Mabilis kong tinakbo ang daan patungong field. Mula entrance gate ay mabilis ko itong tinakbo patungong field. Eh sa late na ako sa ROTC namin. Push-ups ang abot ko nito pag nagkataon. At buti nalang din at di pa nagsisimula.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpapahinga ko ng bigla akong puntahan ng mga naging kaibigan ko rito sa ROTC dito sa kinaroonan ko. At isa-isa silang naupo sa tabi ko.

"Brad, ang gwapo talaga nung lalakeng nakasuot ng Alaska t-shirt", ani Chalene. "Kamukha nya si James Reid ng PBB Teens!" Para namang naghaheart shape ang mga mata nya habang tinititigan ang crush nyang nasa may di kalayuan.

"Hmph! Mas maganda dyan si Ms. Like", ani Sandy sabay kagat ng sandwich nyang hawak. Minsan napapaisip ako, lesbiana ata tong si Sandy. Na-aatract kasi sya sa babae. Pero ni minsan di pa nya naikwekwentong nagkarelasyon sya sa isang babae.

Nag-inat nalang ako't sa di ko inaasahang pagkakataon ay napunta na naman ang paningin ko sa iasang bagay na nagpatibok ng mabilis ng puso ko. Napalunok naman ako sa natunghayan ko.

Nakakunot-noo nyang pinapaypay ang sumbrero nya't nakatingin sya sa malayo. Ang taong ilang araw ko nang hinahanap. Ang matangkad, matipuno at katamtamang pagkakayumanggi ang balat na nilalang. ROTC rin pala sya? What a coincidence. Di ko tuloy maalis-alis ang tingin ko sa kanya.

Hanggang sa napaharap nalang ako sa ibang direksyon dahil sa nagkatagpo ang aming tinginan. Nakaramdam tuloy ako ng hiya.

..........................

Di ko lubos maipahayag ang kasiyahang nararamdamn ko ng may malaman akong isang munting bagay. Ang malamang nasa iisang college lang kami, ang College of Business Administration. Kaso magkaiba lang kami ng kurso. Sya accountancy, ako naman marketing. Pero okay na rin yun. Makikita ko sya lagi rito sa building namin.

Lagi nga ba? Eh sa isang beses ko lang sya nakita.

...........................

Maaga akong nagising kaya maaga rin akong pumasok. Ang masaklap lang ay di pa nagsisimula yung klase namin. And worst, mag-isa pa akong nandirito. Kaya naisipan ko nalang pumunta ng library at dun nalang mag-antay hanggang sa sumapit ang oras.

Mababaliw naman ata ako sa katahimikan rito. At nakakahiya rin kasi pawang ako lang ang di nag-aaral rito at halata pang nag-iistand by lang ako rito. Nakatunganga lang kasi eh. Bigla namang tumunog ang tiyan ko. Buti nalang at mahinang itong tumunog. Naalala ko tuloy di pa pala ako nakakapag-alamusal. 

Napagdesisyunan ko namang pumunta ng canteen para kumain. Sakto namang paglabas ko ng library may nakasalubong akong lalakeng nakasuot ng kulay orange na polo shirt at light brown colored pants. Nakangiti at may hawak-hawak na inumin. 

Feeling ko naman para akong tinusok ni kupido ng mga pana nya. Eh sa sakin lang naman sya nakatingin eh at nakangiti pa. Syempre ngumiti rin ako pabalik sa kanya.

"Hi, Clyde!", napalingon naman ako sa likuran ko't nakita ko ang isang babaeng paparating at nakangiti sa kanya.

"Hi, Pat!", bati nya rito.

Akala ko pa naman ako yung nginingitian nya. Pero di bale may isa na naman akong impormasyong nalaman. Clyde pala pangalan nya. Hi, Clyde! 

.........................

Ang sabihang 'nevermind' ang pagmumukha ng crush mo ay medyo masakit. Pano itinuro ko kasi kina Chalene at Sandy si Clyde. Gusto kong alamin kung anong masasabi nila rito. Ngunit puro di kaaya-kaya ang natanggap ko rito. Isa na dun ang 'nevermind' raw ang kagwapuhan nito.

Sweet ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon